08: Video

839 32 8
                                    


Marvin's POV

Binalot kaming tatlo ng katahimikan. Walang nagsasalita at tanging tinginan lang ang nagiging paguusap namin pagkatapos ng nangyari kanina. Nakatanggap kami ng text message at pinagbabantaan ang mga buhay namin. Papatayin niya diumano kami at paghihigantihan.

Wala akong ideya kung ano itong nangyayari at kung bakit isa ako sa mga nakatanggap. Tanging sina Lloyd lang naman ang may kinalaman sa pagkamatay ni Aira ngunit bakit maging ako'y nadamay? Hindi ko maintindihan. Inosente ako sa bagay na iyon.

"Sa tingin ko, kailangan na nating umuwi at magpahinga." Pambabasag ko sa katahimikan.

Napatingin sila sa aking dalawa at tumango lamang sila. Hindi pa rin sila nagsasalita at tila malalim pa rin ang iniisip. Inaalala ko si Patricia. Wala rin siyang kinalaman sa bagay na ito. Ngunit bakit nakatanggap pa rin siya ng text message? Ang hirap isipin kung bakit.

Maaring dahil kaibigan namin sina Dianne ay kaya kami nadamay sa kaguluhang ito kung saan buhay namin ang hinihinging kabayaran ng Aira na iyon para sa kasalanang ginawa sa kanya ng mga kaibigan namin. Iisa-isahin niya kami at papatayin. Wala siyang nabanggit kung ano ang pagkakasunod-sunod ng mga biktima kaya mas lalo akong nagaalala.

"Kinakabahan ako." Sa wakas ay nagsalita na rin si Patricia.

"Bakit ba kasi kailangan niya pang mabuhay?!" Si Lloyd naman ang nagsalita habang ipinapasok sa loob ng bag niya ang mga poster na ginagamit namin sa paghahanap kay Dianne.

"May nakatingin satin," sabi ko at huminto sa paglalakad.

Totoo ang sinasabi ko. May nararamdaman talaga akong nakatingin samin. Kaninang-kanina pa bago kami nagpunta rito sa San Lorenzo at bago kami umalis sa kinalalagyan namin kanina.

"Anong ibig mong sabihin?" Napahinto si Lloyd sa paglalakad dahil sa sinabi ko.

"Marvin? Sino siya?" tanong sakin ni Patricia habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Ewan ko. Hindi ko siya matiyempuhang nakatingin satin ngunit sigurado akong kanina pa niya tayo pinagmamasdan."

"Natatakot ako."

"Umalis na tayo rito. Mapanganib na," sabi ko at lumakad na papunta sa kotse ko. Sumunod naman sila agad hanggang sa makasakay na kaming tatlo.

Nang istart ko ang engine ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Palagi siyang nakatingin saming tatlo. Pinapanuod niya kami at sigurado akong nakangiti siya. Sa tuwing lilingon ako ay parati naman siyang nawawala bigla.

Sino kaya siya?

"Tara na," sabi ni Lloyd at kitang-kita ko siya sa salamin.

Pinaandar ko na ang sasakyan at paalis na kami nang mahagip ng mga mata ko ang isang babae sa side mirror. Nakangisi siya at matalim ang mga tingin niya samin habang palayo na kami ng palayo sa lugar na iyon.



Patricia's POV

Three days ang hinintay ko bago muling pumasok sa klase. Puspusan pa rin ang paghahanap namin kay Dianne ngunit magpahanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakukuhang lead galing sa mga pulis. Psh. Mga walang kwenta. Dumarating lang kung kailan huli na ang lahat. Nakakanis. Iyon talaga ang kinaiinisan ko sa kanila.

Pagkapasok ko palang sa malaking gate ng Sebastian Academy ay nakapagtatakang walang mga nakatingin sakin. Walang nagbubulungan na mga estudyante at mistulang multo lang ako sa kanila. Walang nakakapansin sakin o sadyang hindi lang nila ako pinapansin? Hindi na iyon mahalaga pa.

Napangiti na lang ako sa kabilang banda. Siguro'y napagod na rin silang pagusapan ako. Napagod na sila sa kakadaldal patungkol sakin at narealize nilang wala naman silang mapapala kung gagawinn nila ang bagay na iyon. Pambihira. Sana noon pa nila naisip ang bagay na iyon.

Hindi ako dumiretso sa klase dahil sa computer laboratory kami ngayon. Hindi naipaliwanag ni Caroline sakin kung anong meron basta kailangan raw ay kumpleto kami. May iaannounce yata si Mr. Valdez tungkol sa magiging takbo ng exam next week.

Isa pa pala iyon sa problema ko. Wala pa akong narereview kahit isa. Masyadong distract ang isipan ko dahil sa pagkawala ni Dianne at sa pagbabanta sa mga buhay namin. Nakakainis. Bakit ba hindi ko pa rin matukoy hanggang ngayon kung sino ang demonyo sa loob ng klase.

"Uy! Tara, sabay na tayo!" Nakakapanibago. Nakangiti si Ashly sakin. Hinawakan niya ako sa braso at sabay kaming pumasok sa lab.

Pagkabukas pa lang niya ng pinto ay alam ko nang sakin sila titingin. Palagi naman. Umupo ako agad malapit sa unahan dahil iyon na lang ang bakante. Ayaw siguro nila doon dahil hindi nila makikita ng maayos kung may ipapanood man samin.
Tama. Marahil ganon nga.

"Kanina ka pa?" Hindi ko napansing tumabi na pala si Caroline sakin. Nakangiti rin siya.

"Medyo," sabi ko at itinuon na lang sa harap ang tingin. L

Sakto namang bmukas ang pintuan at dumating na si Mr. Valdez. Sa kanya nalipat ang atensyon ng lahat hanggang sa pumunta siya sa harapan at tignan kami isa-isa.

"Goodmorning class!" Binati rin namin siya pagkatapos niyon.

"So today, I will announce kung anong magiging takbo ng exam niyo next week." Lumapit siya sa laptop na nakapatong sa lamesa at tila may kinabit siya. Umilaw ang screen sa harap at nagplay ang isang video.

"Maawa ka sakin, wag mo akong papatayin!"

"Ano? Masaya bang makipaglaro sakin Dianne?"

"Parang awa mo na, 'wag mo na silang idamay. Ako na lang ang patayin mo!"

"Ayoko! Hindi ako makukuntento hangga't buhay kayo! Tatapusin ko kayong lahat!"

Si Dianne ang nasa video. Nakasalampak siya sa sahig habang nakagapos ang dalawang kamay at paa niya. Walang busal ang kanyang bibig kaya kitang-kita ang sugat niya sa kanyang labi. Tila sinuntok siya at may dugo pa ito. Sugat-sugat ang kanyang braso na tila kinalmot ng isang hayop na may mahahabang kuko. Magulo ang kanyang buhok at sobrang rumi ng kanyang damit. Nakakaawa. Nakakaawa siya sa kalagayan niya.

Napaatras si Mr. Valdez at gulat na gulat sa video na nagplay sa screen. Sigawan naman ang mga kaklase ko dahil sa sobrang takot habang ang iilan ay tahimik lang na nakatingin at nanonood. Mistula lang silang nanunuod ng movie. Ngunit ang hindi nila alam ay hindi iyon isang palabas kungdi totoong nangyari.

Pinahihirapan ngayon si Dianne ng mastermind ng lahat ng ito.

"Ano bang gusto mo, ha?!" Tumingala si Diane at minasdan ang taong iyon. Hindi ito kita sa video kaya napapaisip kami kung sino iyon.

Tinignan ko isa-isa ang mga kaklase ko at may isa akong kaklase na pumukaw ng atensyon ko ng husto. Si Bianca. Nakapaskil na naman ang nakakairitang ngiting iyon sa labi niya at sinasabayan niya pa iyon ng ngisi. Bigla ko tuloy naalala ang pagtanggi niya sa paratang ko. Totoo nga kayang hindi siya ang matermind o naisahan niya lang ako at napaniwalang wala talaga siyang kasalanan?

Gulong-gulo na ang utak ko.

Nang muli kong ituon ang aking atensyon sa video ay nanghina ako ng husto. Sinasakal na ng taong iyon si Dianne habang nakangiti siya at malademonyong tumatawa.

Katapusan niya na ba?

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon