05: Secrets

1.1K 40 4
                                    


Patricia's POV

Isang linggo ang lumipas. Hindi pa rin pumapasok ang bestfriend kong si Dianne. Nireport na namin sa pulis ang nangyari at hinahanap na nila ngayon ang kaibigan ko. Nasa akin pa rin ang atensyon ng lahat. Kasalanan ko na naman daw dahil may nangyaring hindi maganda.

Simula nang magbalik ako ay sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sa Sebastian Academy. Namatay si Mico, nawawala si Dianne, at iyong lalaking pinagsasaksak ang sarili niya, ako pa rin ang sinisisi. Pinapalabas nilang inutusan ko raw iyong lalaki na gawin iyon sa sarili niya. Kahit na, hindi naman talaga. May hinala na ako kung sino ang nagkalat ng walang hiyang balita na iyon.

Si Bianca na naman.

Sariwa pa rin sa isipan ko ang mga nangyari kinabukasan noong araw na nawala si Dianne. Noong araw na kinausap ko si Bianca at kinompronta.

Hinintay ko niyon si Bianca sa labas ng school at palihim na sinundan siya. Sinigurado kong hindi niya mapapansin na sinusundan ko siya nang sa gayon ay maisakatuparan ko ang balak ko. Wala akong balak na saktan siya o patayin. Hindi ko gawain iyon. Paaaminin ko lang siya na siya ang nasa likod ng pagkawala ni Dianne. Malakas ang kutob kong may kinalaman siya sa nangyaring iyon. Siya lamang ang kilala kong may kakayahang gawin ang bagay na iyon.

May ibinato ako sa dinadaanan niya na isang lata. Napatingin siya sakin dahil doon at ngumisi siya. Hindi ko maiwasang hindi mapaatras. Sa tuwing nakikita ko siyang ginagawa niya iyon ay parating lumalakas ang kaba ko.
Natatakot pa rin ako sa kanya. Takot na takot.

Diretsahan ko siyang tinanong tungkol sa bagay na iyon ngunit tinawanan lamang niya ako at itinangging may kinalaman siya. Ano pa nga bang aasahan ko? Wala namang tao na aaminin ang kasalanang ginawa niya sa panahon ngayon. Lahat, nananatiling sikreto.

Nakipagtitigan lang siya sakin ng ilang segundo at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Habang ako? Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko at napaisip kung siya nga ba ang taong nasa likod ng pagkawala ni Dianne. Bukod kasi sa kanya, wala na akong ibang tao pa na maisip na may galit kay Dianne.

Kung tatanungin niyo ako kung anong naging atraso ni Dianne kay Bianca, hindi ko alam. Wala siyang binabanggit sakin. Sa tuwing tatanungin ko siya ay parati siyang umiiwas. Iniiba niya ang pinaguusapan namin nang sa gayo'y hindi na maungkat pa ang nakaraan nilang dalawa.

"Bakit ba kasi pumapasok pa iyang babaeng iyan rito?"

Iglap akong napatingin sa kaklase kong nagsalita. Si Ashly. Ngayon ko lang ulit siya narinig na magsalita magmula nang magbalik ako rito. Tahimik kasi siya at hindi mahilig makipagusap kaya nakakagulat na bigla na lang siyang magsalita at ako pa ang pinapatamaan niya.

Nalason na rin ang utak niya gaya ng iba pa.

Hindi ko man lang siya tinignan maging ang iba kong kaklase na sakin pa rin nakatingin. Diretso lang ang mga tingin ko hanggang sa makaupo na ako.

Binati ako agad ni Marvin na siyang nagpawala sa inis ko. Sa tuwing titingin ako sa kaliwa'y hindi ko maiwasang hindi magalala. Hindi pa rin nila nahahanap si Dianne. Saang lupalop siya dinala ng taong iyon at hindi namin siya makita? Nakakainis.

"Goodmorning class!"

Nagsiayos ng upo ang lahat nang dumating na si Mr. Valdez. Lahat kami ay nakatuon lang ang atensyon sa kanya hanggang sa magsimula na siyang magdiscuss. Science ang subject niya samin at ang tinuturo niya ngayon ay about Big Bang Theory.

Hindi naman ako nabored kaya natiyaga kong makinig hanggang sa matapos ang klase niya. Hindi na niya kami pinagsulat pa ng notes dahil intro pa lang naman daw ang itinuro niya. Bukas ay itutuloy niya iyon at mas palalawakin pa.

"Goodbye class," sabi niya at kumaway pa bago lumabas ng klase. Naggoodbye rin kami sa kanya ngunit tingin ko'y hindi na niya narinig pa iyon.

Napangiti na lang ako nang kausapin ako ni Marvin. Kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam ko dahil nasa tabi ko siya. Nawawala si Dianne ngunit naniniwala akong mahahanap namin siya sa lalong madaling panahon at magkakasama-sama ulit kami.

"Kamusta?" Nakangiti na naman siya.

"Ayos lang, iniisip ko pa rin kung nasaan si Dianne."

"Huwag ka na malungkot. Mahahanap rin natin siya," sabi niya at hinawakan ako sa balikat.

"Salamat," sabi ko habang nakatingin sa kamay niyang nasa balikat ko.

"Salamat dahil palagi kang nandiyan para damayan ako." Ngumiti ako sa kanya.

Nang pumasok na ang susunod naming guro ay muling nanumbalik sa dating ayos ang lahat. Tumahimik na rin sa wakas at lahat kami ay sa harap lamang ang tingin. Sa lahat ng guro rito, isa siya sa mga kinatatakutan. Ayaw na ayaw niyang may hindi nakikinig sa klase niya. Parati niyang pinapahiya oras na may mahuli siya. Ganyan pa rin siya simula pa nang first year high school pa lang ako.

Si Mrs. Anna dela Torre.

Nakatingin lang kami buong period sa kanya hanggang sa lumabas na rin siya ng klase. Maaga siyang natapos kaya may natitira pang oras bago ang breaktime. Ginamit ko ang oras na iyon upang tawagin sina Prince, Lloyd, Anna Marie, at si Cyrill.

Pinakiusapan ko muna ang ilan naming kaklase na lumipat muna at may mahalaga kaming paguusapan. Wala akong pakialam sa nakabusangot nilang mukha at mga matatalim na titig sakin. Ang importante sakin ngayon ay mapagusapan namin kung papaano namin mahahanap si Dianne.

"Anong plano?" tanong sakin agad ni Anna Marie

"Wala pa. Magiisip pa lang tayo," sabi ko at tinignan sila isa-isa.

"Bago ang plano, kailangan muna nating alamin kung anong puno't dulo at bakit nawawala si Dianne." Napatingin ako kay Marvin dahil sa sinabi niya. Para bang may pinapahiwatig siya na hindi ko naman maintindihan.

"Sino ang huling nakakita sa inyo kay Dianne nang araw na iyon?" si Cyrill ang nagtanong.

Walang nagtaas ng kamay. Ibig sabihin, lahat kami ay hindi siya nakita pagkatapos ng huling klase namin.

"Hindi kaya, naghihiganti na siya?" Napakunot ang noo ko sa narinig kong ibinulong ni Prince. Nakatingin siya kina Anna Marie na para bang may pinupunto siya.

"Tumigil ka nga. Matagal na siyang wala," bulong naman ni Lloyd. Napatingin siya sakin saglit ngunit agad rin niyang binawi iyon.

"Anong tinatago niyo samin?" Diretsahan kong tanong. Napatingin sila sakin at nagkatinginan sila, maliban kay Marvin na sa akin pa rin nakatingin.

"Ano bang sinasabi mo?" Umiiwas sakin ng tingin si Anna Marie.

"W-wala. Wala kaming tinatago." Kinalikot naman ni Cyrill ang cellphone niya.

"A-ano bang pinagsasasabi mo?" Halatang kinakabahan si Prince habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nakatingin lang siya kay Lloyd. Napangisi ako. May tinatago nga talaga sila.

"Wala kang kailangang malaman."

Napatingin ako kay Lloyd nang magsalita siya. Umiling lang ako. Hindi iyon pwede. Kung ililihim nila ang sikretong iyon, papaano namin masosolusyunan itong problema na kinakaharap namin ngayon? Papaano namin mahahanap si Dianne at ang taong may kagagawan niyon sa kanya? Paano?

"Kung hindi niyo sasabihin, mapapahamak tayong lahat," sabi ko at napatingin sila sakin.

"Kung sasabihin ba namin sa'yo, kaibigan pa rin ang magiging tingin mo samin?" tanong ni Cyrill. Tumango lang ako.

Nakahanda na akong malaman kung anoman ang sikreto nilang lima.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon