37: Cemetery

158 7 0
                                    


Cyrill's POV

Pinakalma ko muna ang sarili ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Humarap ako sa salamin at napansin kong namumula na ang mga mata ko. Hindi 'to maaring mapansin nina Patricia.

Kinuha ko ang shades sa loob ng drawer ko at isinuot ito. Ngumiti ako. Kahit na ano pang mangyari, lalaban ako. Hindi ako makakapayag na diktahan ako ni Aira sa kung ano lang ang gusto niya. Katawan ko ito.

Ako ang masusunod.

"Ipaghihiganti ko kayo. Ate, Prince..." bulong ko bago mapagpasyahang lumabas ng kwarto.

Nang makababa ay nakita kong nagke-kwentuhan na ang ilan naming mga bisita. Tila yata nagkakasundo sila at nagkaroon na ng bagong kakilala. Nakakatuwa lang silang panuorin habang masayang naguusap.

Sana lahat.

"Marvin," sabi ko nang makita siya habang nakasandal sa balikat niya si Patricia.

"Cyrill..." Ngumiti siya.

"Pagpasensyahan mo na. Pagod siguro siya," aniya at saglit na tinapunan ng tingin si Patricia.

"Ayos lang. Gusto niyo bang ikuha ko kayo ng kape o pagkain?" alok ko.

"Nako, hindi na. Ayos lang kami. Ikaw, baka gusto mo munang magpahinga. Mugtong-mugto siguro ang mga mata mo kakaiyak."

"Hindi naman masyado. Nami-miss ko lang talaga si Ate. Nga pala, may tanong ako." Umupo ako sa tabi ni Marvin.

"Ano 'yon Cyrill?"

"May naiisip ka bang dahilan kung bakit namatay si Caroline? Kasi, pakiramdam ko may kinalaman si Aira rito. Malakas ang kutob kong may nalalaman si Caroline sa katauhan ni Aira kaya siya nagpakamatay ng walang dahilan." Sandali siyang natahimik sa sinabi ko at nagisip ng isasagot.

"Sa totoo lang, pinagiisipan ko rin ang bagay na yan. Posibleng may nalalaman nga siya dahil bigla na lang siyang tumalon sa ikalawang palapag ng paaralan." Tumingala siya upang pigilang maluha. "Naalala ko na naman ang araw na iyon," aniya at nakangiti na ng tumingin sakin.

"Sana maging ayos na ang lahat. Sana maunahan natin si Aira bago niya tayo patayin," sabi ko at hinanap si Aira sa paligid. Mahirap na. Baka marinig niya ang sinasabi ko.

"Sana nga," bulong ni Marvin bago bumuntong hininga.

-----××-----

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon na ang araw ng libing ni Ate. Kumpleto na ang lahat ng sasama maliban sa step-father ko na may kinuha saglit sa kwarto niya.

"Tara na," aniya nang makabalik.

Sumakay na kami sa jeep at nagsimula na itong umandar habang papunta kami sa huling hantungan ni Ate.

Sa sementeryo.

"Patawarin niyo ko Cyrill kung hindi ko nagagampanan ang pagiging ama ko sa inyo."

Napatingin ako sa kanya nang kausapin niya ako. Bakas ang lungkot sa mga mata niya at ang sinseridad sa sinabi niya. Mukhang totoo ngang nagbago na siya matapos ang nangyari kay Ate. Natauhan na ng lalaking ito na matagal kaming pinabayaan.

Sa nagdaang mga araw, pansin ko ang pagiging mabait niya sakin at maasikaso. Dinadalhan niya ako ng pagkain sa tuwing nakakatulog ako dahil sa pagbabantay.

Minsan naman ay kinukumutan niya ako kapag nakakatulog ako sa mga upuan. Nilalagyan niya pa nga ako ng unan na labis kong pinagtaka. Bigla na lang siyang bumait sakin.

Nakakapanibago lang.

"Kung hindi mo pa ako kayang patawarin ngayon, ayos lang. Basta gusto kong malaman mo na nagsisisi na ako sa lahat ng kagag*hang ginawa ko. Sising-sisi ako. Wala akong kwentang ama." Tumulo ang luha sa kanang mata niya na agad niyang pinunasan. Umiwas siya sakin ng tingin upang hindi ko makita na umiiyak siya.

Totoo ba itong mga nangyayari? Humihingi siya ng tawad sakin? Nagpapakumbaba siya? Umiiyak siya dahil nagsisisi na siya sa lahat ng ginawa niya? Hindi talaga ako makapaniwala. Parang nananaginip lang ako ngayon.

"S-sige," ang nasabi ko lang sa lahat ng pagdadrama niya.

Sinuot ko ang shades at tumingin nalang sa kawalan. Hindi ko pa kayang patawarin siya. Oo nagbago na siya ngunit nandoon pa rin yung kasalanan niya samin sa loob ng maraming taon. Ang hirap kalimutan. Naaalala at naaalala ko pa rin sa tuwing nakikita ko ang mukha niya.

Bumabalik ang lahat ng pagbabalewala niya samin ni Ate.

Narinig kong nagiyakan ang mga kamag-anak namin na kasama sa jeep nang makarating na kami sa sementeryo. Wala akong mailabas na luha sa mga mata ko habang nilalabas nila ang kabaong ni Ate at ipinuwesto sa hukay na paglalagyan sa kanya.

"Mami-miss ko ang ate mo." Biglang tumabi sakin si Marvin at inakbayan ako.

"Hinding-hindi natin siya kakalimutan... sila," si Patricia habang panay ang punas ng luha sa mata niya.

Hinubad ko ang shades at minasdan ang mukha ni Ate sa huling pagkakataon. Hindi pa rin maiwasang manumbalik ng mga masasaya at mapait na ala-ala. All of the sudden, biglang tumulo ang luha sa mga mata ko, tuloy-tuloy habang hinahawakan ang salamin sa kabaong niya.

Naramdaman kong niyakap ako ni Patricia at pinaupo sa upuan habang sinisimulan na nila ang seremonyas. May dumating na pari at may mga sinabi ito bago binasbasan ang kabaong ni Ate ng holy water.

Naghagis kami ng mga puting rosas nang nasa ilalim na ng hukay ang kabaong. Hindi pa rin ako tumitigil sa pagiyak. Nakakalungkot lang isipin na magisa na lang ako ngayon. Wala na ang pinaka-mamahal kong Ate.

Ako ang may kasalanan.

"You may now rest in peace. Miss Anna Marie Santos," sabi pa ng Pari habang binabasbasan ang kabaong.

Nagiyakan pa rin ang iba habang ang ilan ay nagyakapan gaya naming tatlo nina Marvin. Nagngitian rin kami pagkatapos nun at muling nagyakapan.

"Sa darating na party, huhulihin natin siya," mahinang sabi ni Patricia nang bumitaw na kami sa yakapan.

"Paano kung maunahan niya tayo?" nag-aalalang tanong ko.

Hindi pa nila kilala kung sino si Aira. Ako, kilala ko na. Matagal na. Alam ko ang tumatakbo sa isip ni Aira sa araw na iyon. Sigurado akong hindi niya palalampasin ang gabing iyon na wala sa aming namamatay.

Napalunok tuloy ako bigla sa naiisip ko. Malakas ang kutob kong ako na ang kanyang isusunod.

"Mangyayari lang iyon kapag nagpaloko tayo sa kanya. Sa araw ng party, 'wag kayong magtitiwala kahit kanino. Bantayan natin ang isa't-isa. Kapag nakilala na natin siya, doon natin siya tatapusin." Ngumisi si Marvin matapos niyang sabihin iyon.

Napatingin kaming lahat sa kalangitan nang makita ang maraming puting lobo na lumilipad. Ngunit natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na tao sa hindi kalayuan. Nakangisi siya sakin. Tinignan niya muna ako ng ilang saglit bago siya naglakad palayo.

"Hindi ka magtatagumpay, Aira."

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon