06: Lost Picture

1K 44 7
                                    


Cyrill's POV

Tinext ko lang kay Patricia ang lugar kung saan kami magkikita at nagayos na ako ng sarili ko. Palabas na sana ako ng kwarto nang makasalubong ko si ate. Ang sama ng tingin niya sakin. Hindi ko na iyon pinansin pa at nagmadali na akong bumaba at lumabas ng bahay at sinara ang gate.

Pumara ako agad ng taxi at mabilis naman akong nakasakay. Sinabi ko lang sa driver ang address at umandar na rin ito.

Habang nasa biyahe, malalim ang pagiisip ko. Paano ko sisimulan? Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano ko ike-kwento kay Patricia ang nangyari noon. Sasabihin ko ba sa kanya ang lahat o ang mga kailangan niya lang dapat na malaman? Tama. Hindi niya naman kailangang malaman ang lahat.

"Manong, dito na lang po," sabi ko at inabot ang isang daang piso sa driver. Pagkababa ko ng taxi ay dali-dali kong hinanap sa paligid si Patricia.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang swing ngunit hindi niya inugoy ito. Tahimik lamang siya habang nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip.

Lumakad na ako palapit sa kanya ngunit kinakabahan pa rin ako. Napatingin naman siya sakin at napatayo nang makita niya ako sa harap niya. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya at baka raw imahinasyon niya lang ako. Napatawa lang ako ng mahina habang nakatingin sa kanya.

"Dito na tayo magusap habang nakaupo sa swing." Tumango naman siya at naupo na kaming dalawa.

Diretso lang ang tingin namin at tila ba nakikiramdam kung sino samin ang unang magsasalita. Siya ang hinihintay ko. Tutal, siya naman ang interesado na malaman ang tungkol sa sikreto namin nina Dianne.

"Anong sikreto niyo? Bakit mo nasabing baka hindi na kaibigan ang maging tingin ko sa inyo oras na malaman ko ang sikretong iyon?" Bakas sa boses niya ang sobrang pagtataka. Paniguradong magigimbal siya ng husto kapag sinabi ko na ang dapat niyang malaman.

"May napatay kami ng hindi sinasadya." Nagulat siya at napatingin siya sakin. Aninag ko pa rin siya kahit na sa kawalan ako nakatingin.

"M-may napatay kayo?"

"Meron. Schoolmate namin siya at siya si Aira. Hindi namin sinasadya ang insidenteng iyon. Aksidente ang lahat ng nangyari." Naalala ko na naman ang pangyayaring iyon at naiyak na lang ako.

Narinig kong tumayo si Patricia at naramdaman ko na lang ang mga haplos niya likod ko na pilit pinapagaan ang pakiramdam ko. Napangiti ako. Mabuti at hindi nagbago ang tingin niya samin kahit na alam na niya ngayon ang totoo.

"Aksidente ang nangyari. Hindi kayo mga kriminal."

"P-pero... N-namatay siya nang dahil samin... Kami ang may kasalanan..." Patuloy pa rin ako sa pagiyak.

Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod.

"Huwag ka na umiyak. Magiging ayos rin ang lahat."

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang nakayakap pa rin siya sakin. Naging pantag ang loob ko habang kasama ko siya. Totoo ngang hindi masamang tao si Patricia. Mali ang mga balitang kumakalat sa school na si Bianca ang may kagagawan.

Nang sandaling punasan ko na ang aking mga luha ay nagulat ako nang makakita ng isang pamilyar na tao malapit sa slide. Hindi ako maaaring magkamali. Siya iyon. Anong ginagawa niya rito?

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko upang makumpirmang totoo nga ang mga nakita ko. Ngunit bigla na lamang siyang nawala sa paningin ko. Kumalas na sa pagkakayakap sakin si Patricia at nagtataka siyang napatingin sakin.

"Anong problema?" tanong niya. Nakatingin pa rin ako sa kinatatayuan ng taong iyon kanina.

"M-may nakita ako," sabi ko sa kanya na hindi pa rin inaalis ang tingin.

"Anong nakita mo?"

"S-si Aira... Buhay siya!"

Pagkasabing pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay tumakbo ako malapit sa slide. Sumunod naman sakin si Patricia. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng isang litrato na nasa lapag. Nakataob nga lang ito kaya hindi ko pa alam kung anong litrato iyon.

Nang baliktarin ko ito ay bigla ko naman itong nabitawan. Nanginginig ang mga kamay ko matapos makita ang litratong iyon. Kaming lima ang nasa litrato. At iyon ang litratong nawala sa amin noong araw na namatay si Aira.

Hindi namin alam kung papanong nawala iyon sa locker ni Dianne kaya ganon na lang ang gulat ko nang makita kong muli ito. Burado na ang mga mukha namin sa litartong iyon ngayon. May bahid pa ito ng dugo na siyang nagpakaba sakin. Biglang sumagi sa isip ko si Dianne. Dugo niya kaya ang naroon? Huwag naman sana.

"Ano ito?" Nagulat ako nang damputin ni Patricia ang litrato. Nang makita niya ito ay nabitawan rin niya agad marahil sa takot.

"Sino ang may gawa niyan?" tanong niya.

"Hindi ko alam."

"Ang sabi mo'y patay na si Aira. Kung ganon, sino ang taong pinaglalaruan kayo?" Umiling lang ako.

"Hindi nakita ang bangkay ni Aira nung araw na iyon. Marahil ay buhay pa siya."

"Maari. Ngunit maari ring ginagamit niya lang iyong kay Aira para takutin kayo." May point si Patricia. Maari nga iyong naisip niya.

"Kailangan nating mag-ingat."



Mastermind's POV

Sigurado akong sa mga oras na ito ay takot na takot na si Cyrill. Kilalang-kilala ko siya. Duwag pa rin siya kahit kailan. Kaibigan niya pala ang Patricia na iyon. Walang kwenta. Nandamay pa siya ng ibang tao na isasali sa kamatayan nilang lima. May isa pa pala. Iyong Marvin na manliligaw naman ni Patricia. Isasali ko na rin siya upang maging mas kasiya-siya ang mga magaganap.

"Kamusta ka naman dito, Dianne?" Nginitian ko lang siya pagkapasok ko ng silid. Hindi ko muna sinara ang pinto dahil lalabas rin naman ako agad. May kailangan pa akong asikasuhin.

"Hindi magtatagumpay ang binabalak mo! Malalaman rin nilang ikaw si Aira! Demonyo ka!" Tumawa lang ako habang pilit siyang sumisigaw. Nakakairita. Hindi na siya nagsawang sabihin sakin ang mga katagang iyan.

"Tatahimik ka o tatapusin na kita?"

Napangisi ako nang tumigil na rin siya sa wakas. Madali naman pala siyang kausap e. Kailangan lang ng kaunting lambing at pagbabanta. Well, kaya ko namang totohanin ang sinabi kong papatayin ko siya kung hundi siya tatahimik. Madali lang iyon sakin lalo pa't naririndi na rin ako sa kaingayan ng bunganga niya.

Tumalikod na ako at palabas na sana ng silid ngunit may nakalimutan pala akong sabihin sa kanya.

"Gusto kong maging espesyal ang magiging kamatayan mo. Kaya naman maghanda ka na," sabi ko at nakakalokong tumawa bago ko isinara ang pinto.

Ito na ang simula ng paghihiganti ko.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon