29: Truth and Lies

431 18 0
                                    


Cyrill's POV

Napaiyak na lang ako nang ibaba na ni Patricia ang tawag. Kasalanan ko ito. Ako ang may kasalanan kung bakit namatay si ate. Ako ang pumatay sa kanya. Isa akong kriminal. Isa akong mamamatay tao.

Totoong hindi ko ginusto ang bagay na iyon ngunit kahit pagbalik-baliktarin pa natin ang mundo, pinatay ko pa rin siya. Walang kapatawaran ang ginawa ko.

Dapat ko bang sabihin kina Patricia ang ginawa ko? Dapat ko bang sabihin na kilala ko na kung sino si Aira?

Anong gagawin ko kung kapalit naman nito ang buhay ko? Natatakot ako sa kanya. Ayoko pang mamatay at mas lalong ayoko pang makulong.

Wala namang nakakita sakin na ako ang pumatay kay ate at wala rin ang step-father namin nang gabing iyon. Hanggang ngayon nga ay nasa casino pa rin siya at hindi umuuwi dito sa bahay.

Thankful na rin ako na ganon ang nangyari dahil walang makakaalam ng sikreto ko. Walang makakatuklas na ako ang nasa likod ng karumal dumal na krimen na ito.

Handa akong ibaon ito hanggang sa mamatay ako 'wag lang lalabas na ako ang totoong salarin sa pagkamatay ni ate.

Hindi ko hahayaang magkaroon ng dungis ang apelyido namin nang dahil sa kademonyohang ginawa sakin ng lecheng Aira na iyon. Wala akong ibang dapat na gawin ngayon kungdi ang magpanggap na walang alam sa nangyari at umisip ng paraan kung papaano ko siya tatapusin.

Ngayon na kilala ko na siya, hindi ko na hahayaang ipagpatuloy pa niya ang maitim niyang balak. Sisiguraduhin kong bago pa niya ako patayin, o kung sinoman kina Patricia at Marvin ay wala na siya. Wala na ang Aira na matagal na naming kinalimutan.

Mawawala siya gaya ulit ng dati at ako na ang papatay sa kanya. Pangangatawan ko na itong ginawa niya sakin. Kung kailangan kong maging mamamatay tao upang matigil lang siya, gagawin ko. Alang-alang sa mga kaibigan ko at sa pinaka-mamahal kong ate.

Ipaghihiganti ko silang lahat.

"May hinala ka ba kung sino ang taong pumasok sa bahay niyo nang araw na iyon?" Umiling-iling lang ako sa tanong sakin ng pulis.

"Kung ganon, may kilala ka bang tao na may matinding galit sa ate mo na kayang gawin ang bagay na iyon?" Tumango ako. Bahala na kung sino ang mabanggit ko.

"Sino ito?"

"Si Marissa Oledo," sagot ko bago isulat ng pulis ito sa hawak niyang maliit na notebook.

Nagpaalam siya sakin at nilapitan niya ang kasama niya at kinausap. Sa iba ko ibinaling ang tingin ko. Pinagmasdan ko ang bintana ng kwarto ni ate. Ang kwarto kung saan ko siya mismo pinatay at binawian siya ng buhay.

Sariwa pa rin sa isipan ko ang hitsura niya habang nagsusumamo siya sakin na ihinito ko na ang paghampas sa ulo niya. Ngunit anong magagawa ko? Kontrolado ako ni Aira. Kahit na anong pilit ko, hindi ko ito malabanan.

Isa pa iyon sa pinagtatakhan ko. Papaano siya nagkaroon ng kakayahan na ganon? Saan niya nakuha iyon? Isinanla niya ba ang kaluluwa niya sa demonyo kapalit ng kapangyarihan upang gantihan kami? O matagal na niyang taglay ito bago pa man siya masunog nang araw na iyon?

"Miss Rodriguez?"

Napatingin ako sa pulis na lumapit sakin. Siya iyong kausap ng pulis naman na kumausap sakin kanina. Ano nga ulit ang pangalan niya? Bigla ko na namang nakalimutan.

"Bakit po?" magalang kong sabi habang hinahawi ang buhok ko.

"Mauuna na kami. Bukas ibabalik ang katawan ng ate mo pagkatapos niyang dumaan sa mga tests upang malaman ang talagang ikinamatay niya. Magiingat ka. Lalo na ngayon na gumagala pa rin ang salarin sa krimeng ito." Pinagpawisan ako ng matindi dahil sa sinabi niya. Ewan ko kung nahahalata niya kaya sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"O-opo. M-magiingat po ako," sabi ko at ngumiti. Ngumiti rin siya bago tumalikod at sumakay na sa sasakyan nila.

Nang umandar na ang mga sasakyan ng pulis at ang ambulansya ay pumasok na ako agad sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina upang uminom ng malamig na tubig.

Patapos na sana ako sa tubig na iniinom ko nang bigla na lang may sumulpot na tao sa gilid ko. Bigla tuloy akong nasamid at kinilabutan. Bakit siya nandito? Anong kailangan niya sakin?

Ito na ba ang katapusan ko?

"O, bakit parang takot na takot ka?" Nagawa niya pang ngumiti habang iniinis ako. Umiwas ako agad ng tingin dahil hindi ko talaga makayanang makaharap ang isang katulad niya.

Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang basagin ang baso sa harapan ko. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya ngunit napalitan rin iyon agad ng tuwa. Psh. Ang galing magpanggap.

"Dadating dito sina Patricia anomang oras. Subukan mong umamin sa kanila at tapos ka na." Kinuha niya ang basong hawak ko at ininom niya ang natirang tubig doon. Tumalikod siya sakin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Maya-maya'y narinig kong may nagdo-doorbell. Tiyak kong sina Patricia na iyon dahil sinasabayan nila ito ng pagtawag sa pangalan ko.

Agad ko silang pinagbuksan ng pinto at pinapasok sa loob ng bahay. Kinandado ko ng maayos ang gate at tinakpan ko ng kurtina ang mga bintana at baka nasa paligid pa rin si Aira. Hindi nila siya maaring makita. Baka isipin nila na kalaban ako.

Hindi iyon maaari.

"Anong nangyari?" mabilis na tanong ni Patricia sakin bago hawakan ang kamay ko. Malapit na siyang maiyak ngunit pinipigilan niya ito. Ayaw na ayaw talaga niyang pinapakita na mahina siya sa harap ng ibang tao.

"P-pinatay siya. H-hindi ko sigurado pero si Marissa lang ang naiisip kong maaring gumawa nun. Malaki ang galit niya kay ate dahil ang Papa ni ate ang nakapatay sa Papa niya."

Totoo ang mga impormasyong sinabi ko ngunit alam ko sa sarili ko na hindi si Marissa ang salarin kungdi ako. Kababata namin si Marissa at bata pa lang kami noon nang mangyari ang krimeng iyon. Napatay ng papa ni Ate ang tatay ni Marissa dahil sa nagkainitan sila noong inuman. Sa ngayon ay nakakulong pa rin ang papa ni ate at paminsan-minsan ay dinadalaw namin ito.

Ngunit malabo na itong mangyari ngayon.

"Sigurado kang hindi si Aira ang nasa likod nito?" Napalunok ako sa naging tanong ni Marvin. Parang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko.

Parang pinagdududahan niya ako

"H-hindi. Sigurado ako," sagot ko at tinignan silang dalawa.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapansing nakumbinsi ko na sila. Sana nga. Sana lang at wala silang mapansin na kakaiba sakin. Sana lang at hindi nila matuklasan na ako ang nasa likod nito bago ko mapatay si Aira. Kailangan ko na siyang unahan.

Tatapusin ko na ang paghihiganti niya.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon