{ FOURTEEN.2 }

2.3K 66 11
                                    

continuation...

Nagpunta kami ni Mikko sa Tagaytay. Kumain kami sa isang overlooking restaurant na view yung buong Taal Lake at yung Volcano na din. Shit, breathtaking. Ilang beses na ako nakapunta dito sa Tagaytay pero ngayon ang extra-special kasi kasama ko si Mikko. Ang saya lang. Kasi nalilimutan ko ‘yung sakit at problema dahil sa kanya. Salamat talaga kay Mikko.

“Ang sarap ng foods nila dito. Actually matagal ko na alam ‘tong resto na ‘to pero hindi kami nagkaka-chance kumain ng pamilya ko pero next time aayain ko sila dito. Ang ganda rin kasi ng ambience, lalo na’t palubog na ‘yung araw.” Sabi ko kay Mikko habang kumakain na ako ng dessert.

“Yeah. Ito naman ‘yung paborito kong kainan dito.” Sabi niya sa akin.

Inasar ko siya. “Hmm, siguro dito mo madalas dinadala ‘yung mga flings at girlfriends mo noon ano?”

“Huh? Hindi ano. Ako lang mag-isa ang pumupunta dito para mag-unwind pag minsan e stressed ako sa school o sa bahay. Ganun lang, but I don’t bring any of my girls here before. So it means you’re the first and this is the most memorable.” Tapos kinindatan niya ako. Hay, ikaw na talaga Mikko. Bakit ba lagi na lang ako tameme sa harapan mo? Feeling ko na talaga napakaganda kong nilalang!

“Ahh.” ‘yun na lang ang nasabi ko. Speechless e.

“Bakit? Hindi ka ba naniniwala?”

“Wala naman akong sinabing hindi ako naniniwala ano. Ang defensive mo.” ‘tapos tumawa ako ng kaunti

“Hindi naman, ayoko lang kasi na napo-pollute ang isip mo tungkol sa mga nakikita mo sa akin dati. That’s it.”

“Hindi ba totoo ‘yung mga nakikita ko before?”

“Hmm some are true, some are not. But its up to you if you’ll believe those or not. Remember that not all the things you see are the reality.”

May point siya. “Oo nga naman. May point ka. Shit, nagamit ko din utak ko! Akalain mo hahaha.” At tumawa na rin siya. Ang gwapo ng nilalang na ‘to. Ang swerte ng mga naging fling at girlfriend niya dati.

***

Pauwi na dapat kami pa-Manila pero biglang umulan ng malakas as in zero visibility! Nakakatakot kasi ang lakas ng hangin. Gosh, paano kami makakauwi sa amin? Kanina pa kami nandito sa loob ng kotse, hindi kami maka-abante.

“M-may bagyo ba ngayon?” tanong ko kay Mikko

“Ang alam ko wala pero may LPA.” Sagot niya sa akin habang nagche-check siya ng cellphone niya. Sosyal, iPhone 5s samantalang sa akin S4 lang. Wala naman kasi akong hilig sa mga cellphone e.

“LPA? Ano ‘yun?” sabi ko. Ano ba ‘yan akala ko ba nagamit ko na utak ko? Bakit hindi na naman ulit nag-function?

“Low Pressure Area. ‘Yun ‘yung may ulan na may malakas na hanging habagat. Monsoon.” Sagot niya sa akin.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon