Kabanata 27

3.2K 103 25
                                    

Hi, Nikka! Ito na baby Griff mo. Haha. Paka-loyal ka sa kan'ya, ha? 

Kabanata 27

Ayaw

I tried to laugh, or even stifle a grin, but I know that can't. I am now held captive by my feelings, and I don't think I can take another batch.

Nauupos na ako. Nahihirapan na akong paniwalaan ang mga sinasabi niya dahil nasasaktan na ako nang buo.

"I don't believe in him anymore, Griff. Hirap na 'ko," mahina kong saad. Mas mahirap pa siyang intindihin kaysa sa Math.

My words are coherent, I hope his cousin can interpret it well. Naiintindihan naman siguro nila na ayoko na, hindi ba? Tao rin ako, napapagod. Hindi ko na lang talaga kaya na magsakripisyo kahit na gumagana pa rin itong guilt ko.

"Ilang buwan pa lang naman nang magsimula 'yan, 'di ba? Bakit bumitaw ka na agad?"

I took a deep breath when I felt another sentiment brewing in my chest. "I don't think there's any point on keeping this relationship with him. Anong mapapala ko? Wala. It's much better to save myself before drowning completely. Muntik na akong malunod, umaahon pa lang ako ngayon."

I pleaded for my heart to stop crying. It pained me how much time I invested onto nothing but pure guilt and conscience. I started this wrong, it's better to end it correctly.

"Ba't ayaw mo bigyan pa siya ng time? Intindi—iyon pinakakailangan niya. May rason ang pinsan ko. Lahat ng tao may rason kaya ginagawa ang isang bagay. Ikaw, ano ang rason mo kung bakit bumitaw ka na agad kahit saglit pa lamang 'yon?" he asked, his keen eyes boring onto me.

I bit my lip, hoping for it to end my agony. Humugot ako ng malalim na hininga.

"May girlfriend ka ba?" hindi ko mapigilang tanungin.

"Oo, meron," sagot niya na may kumpiyansa.

"Bakit mo siya niligawan? Ano ang rason?" panghahamon ko, kinakatawan ang mga salita ni Rafaela.

"Gusto ko siyang ligawan, gusto ko siyang maging girlfriend, gusto ko siyang maging asawa. Gano'n naman, 'di ba? Kaya ka nanliligaw kasi mahal mo siya at gustong-gusto mo siyang maging asawa," seryoso niyang sabi ngunit hindi nawawala ang kintab sa kan'yang mata.

Saglit na dumaan ang maliit na ngiti sa kan'yang labi.

"Kapag nanliligaw ang isang lalake, may kalakip na 'yong responsibilidad. Gano'n ako mag-isip, ha? Kaya noong niligawan ko si Nikka, buo na ang desisyon ko na siya ang una't huli kong girlfriend. Gusto ko siyang maging asawa. Iyon ang purpose ng panliligaw—ang gawing asawa ang nililigawan mo."

I saw how his eyes twinkle whenever he mentions his girl. May ganito pa pa lang lalake?

"Boys don't think that way," sabi ko, mahapdi ang dibdib sa naintindihan.

Humakbang siya at mapanghamon akong tinitigan.

"Boys don't think that way, men do," seryoso niyang sabi. "It runs in our blood, Brella. Kaya kung nagtataka ka sa mga kilos ng pinsan ko, I'm telling you: he is honest with you."

Mahusay siyang nagtaas ng tingin sa 'kin, yumuko, at ngumiti bilang pamamaalam.

Pinanood ko ang kan'yang pigurang naglaho sa dulo at may sinalubong. Tuluyan na siyang nawala pagkatapos. Nanatili pa rin ang tingin ko ro'n pagkatapos ng ilang segundo. Tsaka lang ako nakagalaw nang tumunog ang elevator.

Inangat ko ang paa at tahimik na pumasok sa loob ng elevator. Dalawang matangkad na lalake ang nakasakay roon. Halos magkasintangkad ang lalakeng may pamilyar na mukha. Iniwasan kong pakatitigan nang sobra.

Complexity Of Us (STATION Series #2)Where stories live. Discover now