Kabanata 1

18.3K 330 88
                                    

Kabanata 1

Rival

I have always been joining Math contests ever since I am a Kinder 1 student. I found joy in solving Math problems when I first met the importance of numbers and how they affect the world that we live in. My liking towards the subject elevated when I learned about Kumon and when I decided to commit to the regime.

I had my memorable win when I was seven years old, a Grade 1 student. At that time, I didn't realize how Kumon helped me with my understanding of Math. Ang alam ko lang, marami akong nakukuhang stars sa Kumon at matataas ang grades ko. Dumagdag na rin siguro sa kaalaman ko ang pagtingin kay ate kung paano niya sino-solve ang Math problems niya.

I can say that I am a little mature than the kids my age. That's why when the teacher asked for a candidate as a Grade 1 Representative, I raised my hand. Natawa ang kaibigan kong si Rafaela dahil hindi raw niya ma-gets kung bakit ko ginawa 'yon. Natawa na lang din sina Mommy noong kinwento ko sa kanila 'yon. Akala nila nagbibiro ako pero seryoso ako.

I want to try running for it.

Habang tahimik akong nag-sosolve sa clasrom ay dumungaw si Rafaela, may yogurt stick sa bibig. Hirap na hirap niyang hawak ang yogurt drink sa kabilang kamay.

"Bakit may 'x'?" she asked, her eyes on my notebook.

I pouted. "Kasi nakalagay sa equation."

"Ay, bakit?"

Lumalim ang nguso ko. "Raf naman! Nag-aaral ako e..."

"Bakit ka nag-aaral? Wala namang quiz si teacher."

"Nag-seself-study ako!"

"Ha? Anong self-study? Inaaral mo self mo?"

"Hindi."

"Ang turo kaya ni teacher 'yung meaning ng 'study' ay aral! Bakit mali sagot ko? Tama naman e!"

I playfully pushed her away and told her that I'll be answering some exercises. Hindi na siya nagreklamo pa habang bitbit ang iba't ibang yogurt drink.

Habang nag-sosolve ako ng equation ay narinig kong may kinakausap si Rafaela sa likod. Paglingon ko ay nakita ko ang tahimik na bata na nasa dulo.

He looks like a nerd because of his big glasses. Para siyang nanggaling sa cartoon! Tapos ang laki-laki pa ng hawak niyang Math book pero baliktad naman.

Nag-aaral ba siya ng Math? Kahit na baliktad 'yan, feeling ko aagawan niya 'ko! Hindi pwede. Ako lang ang pwedeng maging magaling sa Math dahil naiintindihan ko 'yon!

Kunot ang noo ay iniwan ko ang ginagawa at lumapit sa kan'ya. Nang makarating ako ro'n ay iniinom ni Rafaela ang Chamyto niya habang nakikinig sa sinasabi ng nerd.

"Lalaban ka sa 'kin?" tanong ko sa kan'ya.

Natahimik siya nang magsalita ako ngunit hindi ako pinansin. Namumuo ang inis sa dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya pero wala siyang sinabi!

Sumimangot ako at ginagaya ang pag-irap ni ate.

"Ano ba 'yan!" reklamo ko bago bumalik sa pwesto.

Pagkaupo sa pwesto ay narinig ko ang tawa ni Rafaela.

"Bakit ka nandito? 'Di ba siya na new friend mo?" naiinis kong tanong habang kinukuha ang lapis.

"Ha? Friend ko kayong dalawa. Bawal dalawang friends? Classmates lang dapat marami?" Ngumuso siya at kinain muli ang loob ng pink na yogurt stick. "Bad ka ha! Inaaway mo siya. Isusumbong kita kay teacher sasabihin ko bully ka."

Complexity Of Us (STATION Series #2)Where stories live. Discover now