Kabanata 20

4.2K 118 12
                                    

Kabanata 20

Believe

Mula nang manggaling si Elgene sa shower room ay hindi nilubayan ng braso niya ang bewang ko. Nanatili iyong nakalingkis. Idagdag pa na amoy na amoy ko ang pabangong ginamit niya dahil hinahapit ako pabalik kapag lumalayo ako nang kaonti!

"Buti na lang merong locker room para sa 'min," komento niya pagkalabas.

"It's a need, Elg. Madalas ang tune-up dito," I answered.

Katulad ng sa Trinity, mayroong guest locker room para sa tune-up game. Madalas ang mga 'yon dahil athletically-inclined din ang parehong university. Nagpapalitan pa nga ng pwesto kung sino ang mag-rerepresent sa Division at Regionals.

"Elg, babalik ka ba sa Trinity?" bungad ni Kirk, kagrupo niya. Napansin ko ang panandilang pagdaan ng tingin niya sa bewang ko.

Ngumiwi ako nang hatakin muli ni Elgene. He keeps on doing that even there's no need to! Nang-aasar ba 'to?

I scowled at him to show my uneasiness under his friend's eyes. To no avail, he set it aside! Nagawa pang ngumisi nang inakbayan ako.

"Pwede bang 'wag bumalik?" he asks as he kisses the top of my head.

Mula sa gilid ay ramdam ko ang tingin ni Corinthian. Hindi ko mapigilang kabahan dahil sa kawalan ng kaalaman sa susunod na mangyayari.

I tried my best to push Elgene away yet he kept on coming back! Wala akong ibang nagawa kun'di pumirmi.

It's always like this with him—being forced to the receiving end. Hindi ko alam kung maganda ba 'to o hindi dahil pinapayagan ko rin naman.

Natawa si Griffin samantalang si Kirk naman ay napakamot sa ulo.

"Tanong mo kay Coach Balihmer. Malakas ka ro'n, 'di ba?" Griffin said. Bumaling sa 'kin ang kan'yang pinsan at mistulang nagsusumbong. "Brella, da't 'di ka pumayag! 'Wag mong papayagang magliwaliw 'yan kasi malandi 'yan!"

Elgene lifted his feet from the ground and kicked his cousin's knee. "Ang gulo mo."

Maligalig na napaatras si Griffin kaya nadali ng kan'yang bag ang babaeng dumaan sa likod. Alarmado itong humingi ng paumanhin bago bumalik sa dating pwesto. Nakangiti naman ang babae at umalis na pagkatapos.

"Ligalig mo kasi!" komento ni Kirk at inakbayan si Corinthian.

Hindi ko mapigilang mag-aalala para kay Cori. Because we're both busy, we didn't have the chance to talk to each other. Of course, I understand the hectic schedule, but it felt like something changed.

Sa tingin pa lang niya kay Elgene ay alam ko na kung ano.

"Ano, Cori, magta-try out ka na talaga?" tanong ni Kirk.

Corinthian briefly glanced at him before he returned his gaze on me. Sandali iyong nanatili bago mag-iwas. Kinunutan ko siya ng noo ngunit abala siya sa paglalabas ng sagot.

"For the team? Siguro. Kailan ba?"

Kirk snorted before he glared at Elgene. Or is it just me?

"Palitan mo team captain natin," pagak itong tumawa at marahang sinuntok ang braso ni Elgene.

Naramdaman ko ang kakaibang dumaloy kay Elgene. Palihim kong pinisil ang kan'yang daliri at pinaglaruan ito upang pakalmahin. Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang maramdaman ang responde niya. Ngunit nang ibinalik ko ang tingin kay Kirk, alam kong hindi umubra ang ginawa ko. Pareho silang nagtatantiyahan ng tingin—parehong nag-aalab.

I refrained my curiosity from asking what is it about. It's not my business that's why I shouldn't meddle with it—it's the rational thing to do.

Kinakabig ni Griffin ang braso ni Elgene, nasama ako sa paghatak papalayo mula sa maalab na tingin ni Kirk. Nadamay ako sa paghila at napunta sa tapat ng building ng Architecture. Pagkarating do'n ay hirap siyang bumuntong-hininga bago bumaling sa pinsan.

Complexity Of Us (STATION Series #2)Where stories live. Discover now