Simula

23.3K 427 37
                                    

Simula

I believe in the certainty of everything.

In every answer comes from a concrete solution. With simple answers rooting from complex problems, or with complex answers rooting from simple problems. Sa bawat pagkakumplikado o pagkadali ng isang sagot ay paraan kung paano tatratuhin ang bagay na 'yon.

Kapag madaling nakuha ang sagot sa loob ng napakaikling oras, malaki ang tsansa na mali ang proseso sa pagkuha nito. Kapag matagal nakuha ang tamang sagot ngunit mali pa rin, malaki rin ang tsansa na mali ang proseso sa pagsagot nito. 

Bawat proseso ng pag-alam sa isang bagay ay mabusisi upang buong maintindihan kung paano ito gumalaw. 

Sa paraan ng pagkilala sa tao ay gano'n din. Ang inaakala nating madaling intindihin na pagkatao ay magiging daan upang mamali ang pagkaiintindi.

The world has been full of complexity ever since it became known to mankind. Every single thing has been known to be made complex—it's a way to have people invest their time in analyzing the complexity. Just like Maths and formulas.

Maraming tao ang sumusuko sa Math dahil mahirap intindihin. Masyadong maraming inaaral, sasabihin nila, pero hindi ba kaya't inaaral para maintindihan?

Amidst the complexity the word has, it carries the ludicrous thinking that they have. Por que nahihirapan ay ii-skip na agad, isang daan para hindi lubusang maintindihan ang isang bagay. Sa kadahilanang 'yon ay maraming tao ang nananatiling ginagamit dahil walang oras para alamin ang importansya.

Ngunit kung seryoso ang isang tao sa pagkilala ay mas mapadadali ang pag-unawa. Mas maiintindihan ng lubos at mas makikilala. Sa paraan na 'yon ay makatutulong sa pagbawas ng kalituhan sa mundo.

Life revolves around theories and uncertainty. With the lack of a concrete solution, the answer will be indefinite until another theory has been proven.

Unless you chose to meddle with the theory. Doon magugulo ang lahat.

"Umalis ka nga r'yan!"

Ang pakiramdam ng galit ay bumalot sa aking katawan. Dahil do'n ay marahas akong napatayo at pinagpagan ang duming dumikit sa pantalon ko. Buo ng pagtitimpi ang katawan ay hinarap ko siya, ang isang kilay ay naka-arko.

"At sino ka sa inaakala mo?" naiirita kong tanong, pilit na kinakalma ang sarili. "Hari ka ba, ha?!"

Napaarko ang isang kilay niya kasabay ng pag-igting ng panga. Lumabas ang kaonting ngisi sa labi bago ayusin ang pagkahahawak sa strap ng gitara. Gamit ang malalaking hakbang ay nagtungo siya sa 'kin at tumigigl ng walang isang metro ang layo. Sa lapit ng distansya ay naaamoy ko ang pabango niya.

With a playful grin, he looked at me through his chinky eye.

"Hindi mo ako kilala?" Gamit ang hintuturo ay itinuro niya ang sarili.

Binalot ako ng kaba sa paraan ng paninitig. Hindi ko alam ang gagawin sa intensidad ng mga 'yon!

Umakto akong hindi apektado sa paraan ng pag-irap. Palihim na nagpakawala ng hininga ay lumayo ako at bumalik sa pagkauupo. Pilit kong pinakakalma ang tibok ng puso habang itinutulak ang sarili na mapuno ng pasensiya.

This guy... he's nothing. I know he's playing with me.

Ngunit kahit gaano ko kagustong maging kalmado ay siyang paglapit ng bulto niya!

Tila naubusan ng pasensiya ay marahas akong napalingon. Sa ginawa ko ay bumungad sa 'kin ang mukha niya.

Mabilis akong napaatras, malakas ang tibok ng puso. Bumalik muli ang ngiti niya bago isuksok ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng tenga. Sa paraan ng paninitig ay tila may inaalam. Ang paraan ng pagkasingkit ng mata ay nagdala ng talim na gustong iparamdam.

Ngunit mas matapang akong huwag magpakilala.

Nang ibinaling ang tingin sa kung saan 'man ay kinuha ko ang oras upang makahinga.

I don't like how my heartbeat raced! It's not rational for me to feel this way! I don't like how his chinky eyes appeared, either. Masyadong matalim!

Napasinghap ako nang makita ang hawak-hawak na bulaklak na korona. May malawak na ngisi sa mapanuyang labi ay ipinatong niya 'yon sa aking ulo. Nanatili ang kan'yang tingin doon bago bumalik sa 'kin, ang singkit na mata ay nangingislap sa tuwa.

"Prinsesa..."

Pinanood ko kung paano niya kuhanin ang kung ano sa leeg.

Malakas ang tibok ng puso ay nahanap ko ang sariling manaway. "D'yan ka lang!"

His chinky eyes shifted at me for a little while before he moved to my back. Higit-higit ang hininga ay pinakiramdaman ko kung paano lumapat ang malamig na bagay sa aking leeg. Hindi pa ako nakaiimik ay narinig ko ang yapak papalayo.

Awang ang bibig at hindi makapaniwala sa suot-suot, napalingon ako sa kan'ya.

Sukbit ang guitar case ay humuhuni siya ng kung anong tono. Ilang hakbang pa papalayo ay tumigil siya bago bumaling sa 'kin, may malawak na ngiti sa labi.

Buhay ang singkit na mata ay diniretso niya ang tingin sa 'kin. Gamit ang mapanuyang tono ay kinindatan niya 'ko, ang puso ay bumilis ang tibok.

"See you soon, Elgene's Property."

Tuluyan na siyang naglakad papalayo. Nang sinalat ko ang ibinigay na kwintas ay hindi ko mapigilang mainis.

He gave me a dog tag with an engraved 'Elgene's Property'

He seethed with irrationality. Ang kapal ng mukha!

Complexity Of Us (STATION Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ