Kabanata 6

5.9K 193 18
                                    

Kabanata 6

Arms

Binatukan ko siya dahil sa inis.

Napahawak siya sa batok habang nakangiwi. "Bakit mo ginawa 'yon?" pagrereklamo niya.

"Ang landi mo kasi!" naiirita kong sabi, pisngi ay namumula. Bakit ba ako nag-ba-blush?

Inayos ko ang pagkauupo sa batong upuan ng garden. Iniikot ko ang tingin sa paligid at napansing iba't iba ang bulaklak dito. Mayroon ding mga bushes na may kakaibang hulma. 'Di kalayuan ay napansin ko ang butterfly na dumapo sa isang bulaklak.

"Hindi mo ba talaga ako magiging crush?"

Bumaling ako sa kan'ya bago umiling.

Ngumuso siya. "Wala na ba talaga?"

Umirap ako. "Bakit ba ang landi mo?"

"Bakit ba ang ganda mo?"

Napasinghap ako. Namula ulit yata ang mukha ko. "K-Kasi gwapo si Daddy at maganda si Mommy! Ikaw, bakit ang..." epal at ang kulit mo!

Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang mahagip ng tingin ko si Corentin. Pawisan na pawisan siya pero ang gwapo-gwapo pa rin. Pati 'yung paraan ng pagtulo ng pawis mula sa dulo ng buhok patungo sa leeg. Namumula rin ang mukha niya at nakaawang ang bibig dahil hinihingal.

"Cori, punta tayo kina Yuan," dinig kong sabi ng isa niyang kaibigan.

"O'nga, p're! Basketball tayo ro'n kasama sina Oberon."

Pinupunasan ni Corentin ang pawis niya gamit ang tuwalya. Pinadaan niya sa leeg at sa ilalim ng damit. Inabot niya ang tubigan sa bag at uhaw na uhaw na uminom mula roon.

"'Di sure, Virg. Papayagan ba kayo? 'Di ko rin alam kung nando'n si Yuan, na-attend kasi 'yon ng music class."

"Kami pa! Sama natin si Zyrell."

Nakatangong ngumisi si Corentin at ginulo ang buhok. "Sige, 'maya. Pagkatapos ng isang game."

Hinarangan ng dalawang daliri ni idiot ang paningin ko. Dahil do'n ay busangot akong tumingin sa kan'ya.

"Ano? Anong problema mo?" naiirita kong sabi.

He pouted. Umirap ako dahil feeling niya ang cute-cute niya!

"Ikaw problema ko," sagot niya, nakanguso.

Napatayo ako sinamaan siya ng tingin. "Bakit ako ang problema? Anong ginagawa ko sa 'yo?!"

He sighed and stood up. "Kapag nandito ang crush mo, 'wag mo naman titigan, o. Nandito kasi ako."

Napaawang na ang bibig ko dahil nag-walk out na siya.

Tingnan mo 'to. Ang drama-drama talaga!

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Elliot the idiot at umuwi na lang sa school. Pag pasok ko naman sa school bukas, parang walang nangyari. Kaso nga lang, ang weird-weird niya kasi tahimik lang siya at hindi nag-rerecite. Kahit na tinatawag siya ni teacher, umiiling lang siya mula sa pagka-uub-ob.

Tinatamad lang at gustong matulog? Ewan ko, pero sa mga sumunod na araw ay gano'n siya palagi.

"'Wag ka na sumali sa mga Math contests, ha," sabi ni Raf nang makaupo kami sa upuan ng canteen.

Napabaling ako kay Raf dahil sa sinabi niya. "Ha? Bakit? Gusto kong sumali, Raf."

Humugot ako ng malalim na hininga. Kahit hindi madalas nagsasagot sa recitations si idiot ay hindi pa rin ako nagpapatinag. Kung alam ko lang, may sikreto siya kaya laging tulog sa school.

Complexity Of Us (STATION Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon