Chapter 26: Team Card

6.9K 342 23
                                    

Chapter 26: Team Card

Sam's P.O.V

"You did a good job fighting on your own, Sam. And congrats, I welcome you to my Team."

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdamang may tumatamang liwanag sa aking mukha. Umunat ako at agad ding tumigil nang maramdamang ang lambot ng aking hinihigaan.

Mabilis akong napabangon at bumungad sa akin ang loob ng dorm namin.

Eh? Paano ako napunta dito?

Nakarinig ako nang hilik at nakita ko sa tabi si Chloe na mahimbing natutulog. Nakadapa pa siya at gulo gulo ang buhok, rinig na rinig din ang hilik. Tinignan ko ang orasan, it's already 7:35am. Sabado ngayon at wala naman kaming pasok pero bakit ang aga ko nagising? Usually dapat mga 10 o'clock ako nagigising tuwing weekends.

Pero teka muna, ang huling naaalala ko ay yung nasa labas ako Team base kasama si Zaylik, at...

Namula ang pisngi ko nang maalala ang nangyari.

"Sh*t.." mahina akong napamura sa sarili. I remember, that mokong... hugged me!

Pero wala na akong maalala pagkatapos no'n. I think I passed out after that at eto ako ngayon, pagkagising ko ay nandito na ako sa dorm namin.

Don't tell me, dinala niya ako rito?

Tinignan ko ang suot kong damit. Hindi na ako naka-uniform! Naka-sando at short na ako, malinis na din ang katawan ko at amoy baby oil pa ang buhok ko! Hindi naman pwedeng siya ng may gawa nito dahil lalaki siya. Maybe Maine and Chloe cleaned my mess while I was sleeping? Malabo namang mag sleep walking ako!

That's right, so hindi malabong sila rin ang nagdala sa akin dito sa dorm.

Tatayo na sana ako nang biglang pumasok si Maine sa kwarto. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang gising na ako.

"Oh, you're awake..." aniya at dumiretso sa closet. Naka-fitness outfit siya na parang katatapos lang mag-exercise.

"Maine.." pagtawag ko at agad siyang lumingon sa akin, ".. a-anong nangyari sa'kin kagabi?" napapalunok kong tanong at kinilabutan ako nang bigla siyang ngumisi.

Those sinister smirk... Hala..!

"Oh, hindi mo na agad maalala?" tanong niya habang nakangisi, inaasar niya ako! "Even though you guys were so sweet last ni--"

"What!? Anong sweet?" napatayo ako sa gulat at nararamdaman kong pumupula ang aking pisngi. My gosh!!

Bigla siyang humalakhak kaya napanganga ako. Damn this girl! Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo or inaasar niya lang ako o kaya naman pareho?

Tapos ay napapa-iling siya habang nakangisi, "I can't believe that Boss Zay will "do" that.." pagdidiin niya kaya mas lalo akong naguluhan, "Ever since I meet him, never ko pa siyang nakitang lumalapit nang "gano'n" kalapit sa babae.." kinuha niya ang towel sa closet sabay hinarap ako nang merong mas malaking smirk sa bibig, ".. only that time, and it was you, Samantha Fhey Alcanta~"

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Where stories live. Discover now