Chapter 2: The Promise

17K 649 116
                                    

Chapter 2: The Promise

Sam's P.O.V

"Wait.. What happened to your eyes?"

Umiwas ako ng tingin at hindi siya sinagot. Ramdam ko agad ang lakas ng tibok ng puso ko ngayong kaharap siya. Damn it! I can't face him right now...

What should I do?

"Did you wear a contact lens?" he asked so I looked at him, ".. Why? Are you impressing someone? Or maybe... ako ang dahilan?" pabiro pa siyang ngumisi ngunit hindi ko alam pero biglang uminit ang ulo ko. 

Natikom ko ang bibig ko at pinipigilang magsalita nang hindi tama. "S-Shut up..", you don't know anything. I looked away and slowly stood up nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Anyway, I heard that you have a crush on me... Is that true, Sam..?" I stopped when I heard that.

I felt that my heart skipped a beat. Tama naman siya, totoong may nararamdaman ako sa'kanya... hanggang ngayon. Pero, hindi dapat ako magpadala sa bugso ng aking damdamin. I should get rid of this feelings before it became worst. Lalo na't aalis na ako at paniguradong matagal muli bago kami magkita.

Wala akong maisagot sa kaniya kundi, "I-I said shut up!" at tinalikuran siya. Nakakainis!

"Wait Sam! I'm just kidd--" tumakbo na ako paliko ng pasilyo at nagmamadaling bumaba ng hagdan. I can feel that my face is burning,

What the hell am I doing? I don't know why, I just felt running.

***

Nakauwi na kami sa amin at naprocess na ang pagdrop ko sa school. Naghanda agad ako ng mga gamit na dadalhin ko para sa aking pagluwas. Alright, this is already happening. This is the first step of my life journey. 

"Pa, anong klase po bang school yang Blue Moon Academy na sinasabi niyo?" tanong ko kay papa dahil na-curious ako bigla.

"Pasensya na anak ngunit wala akong masyadong alam tungkol sa Blue Moon Academy... Ang alam ko lang ay hindi iyon ordinaryong akademya gaya ng nakasanayan mong school na pinapasukan, isa iyong magic school--."

"M-MAGIC SCHOOL!" hindi ko na mapigilang sumigaw. What the fvcking hell!? Totoo ba!?

Nagulat si Papa sa naging reaksyon ko, "A-Alam kong... mahirapan paniwalaan para sa'yo pero iyon ang totoo. Ang Blue Moon Academy ang isa sa mga magic school sa Celestial World.."

Gusto kong mahimatay sa mga bagay na naririnig ko ngayon galing sa bibig niya. Akala ko nasabi niya na lahat kagabi, may mas malaking pasabog pa pala ngayon.

At ano kamo? Celestial World? Ibig sabihin, meron ngang ibang mundo maliban Earth? At doon ako ipapasok ni Papa? At may iba pang magic school bukod sa Blue Moon Academy? I find it hard to believe pero...

If that's all true, let's just find it out.

"Huwag kang mag-alala, Sam anak. Magiging malinaw na sa'yo ang lahat kapag nakarating ka na doon.." ani Papa. Nagbuntong hininga na lang ako at nanahimik na. Tama naman siya, siguro pagdating ko doon ay mas maliliwanagan na ako.

Kinabukasan ay ganoon pa din ang ginawa ko. Marami kasi akong damit kaya kailangan kong mamili ng mabuti kung ano ano ang dadalhin ko doon. Lalo na't nalaman ko lang na magic school pala ang papasukan ko.

"Magic school.." kinilabutan ako sa aking sinabi dahil until now ay hindi pa din ako makapaniwala.

"Kung magic school ang papasukan ko, edi ibig sabihin... may powers ako..?" tanong ko sa sarili ko dahilan para mas lalo akong kilabutan. ".. Ano namang powers ko? Apoy?" bahagya ko pang binuka ang aking palad at in-assume na may lalabas na apoy pero ano pa bang aasahan ko, nagmukha lang tuloy akong may sapak sa utak.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Where stories live. Discover now