Chapter 12: Letter

10.6K 476 68
                                    

Chapter 12: Letter

Sam's P.O.V

Masaya akong naglalakad habang hawak hawak ang dalawang sulat para sa dalawang taong nagbigay ng malaking parte sa buhay ko. 

Habang naglalakad ay bigla akong napaisip kung ano na kaya ang kalagayan nila ngayon? Siguro ay nalukungkot sila dahil wala ako sa tabi nila? Lonely, ganun? And I wonder how they will react after they read the letter from me.

But knowing them, alam kong nagpapakatatag sila dahil alam nilang babalikan ko sila. 

Because I promised it.

Malapit na ako sa entrance ng Axademy at hinanap ko agad ang mail box na sinasabi ni Sir Vincent. Nasa tapat na ako ng nakasaradong gate ngunit hindi ko pa din ito mahanap. Magdidilim na at unti unti nang nagsisibukas ang mga light post sa daan.

Pumunta ako sa gilid upang hanapin pa ito. Sabi ay nasa gilid gilid lang daw 'yon. Sa ilang minuto kong masuring paghahanap ay natagpuan ko na rin sa wakas. Malapit ito sa tabi ng malaking puno. Parang medyo malaking doll house ito kaya napansin ko agad lalo't may ilaw din sa tabi.

At pupunta na sana ako doon nang may marinig akong boses.

"Can you please accept my love letter!?"

I paused na parang kasali sa ako larong stop dance. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na 'yon at laking gulat ko nang makita si Zaylik Curry a.k.a mokong at nasa harap niya ang isang magandang babaeng may hawak na... love letter sa harap niya!?

What the heck! Gabi na, may eksena pa? 

Mabilis akong nagtago sa pinakamalapit na puno sa puwesto ko. Mahigpit kong hinawakan ang hawak kong mga sulat.

Sh*t! Hindi ako puwedeng magkamali! Si mokong 'yun! Malayo pa lang ay alam ko na talagang siya 'yon! Pero hindi ko kilala yung babae, hindi siya familiar sa akin. Alam ko lang ay isa din siyang students dito dahil sa skirt nitong suot.  

"Sorry. Who are you again?" rinig kong pagkabagot sa boses ni Zalik. Mokong talaga!

I don't know but somehow this feeling is familiar but in alternate universe. Magkaibang mundo, magkaibang nararamdaman. Pero wala pa ding nagbabago sa akin, eavesdropping became my habit!

"I'm Angelina Fortes from Team S. We're classmates in most of our schedules, right? Hindi mo ba ako nakikilala? M-Madalas din tayong.. magkita." sagot pa nang babae and she sounded desperate na medyo shy. 

Sumilip ako nang kaunti sa kanila. Medyo malayo sila sa akin, siguro'y mga sampung metro ang layo namin kaya't kitang kita ko kung gaano ka-romantic ng place para sa kanilang dalawa. Puro plants and beautiful flowers ang nasa paligid nila.

Okay, so what the hell am I doing here?

This has nothing of my concern in the first place. So anong paki-alam ko kung may magka-aminan sa harap ko? Anong paki-alam ko kung magkaroon ng love interest ang mokong na 'yon? Anong paki-alam ko sa kanilang dalawa? At... ano bang ginagawa ko dito?

"Angelina? Who?" hindi na tuloy mapigilan ng tenga ko ang makinig. Umalis ka na lang, Sam. Nagsasayang ka lang ng oras dito.

Malalim akong nagbuntong hininga. Daan ka lang na parang walang nakita, Sam. Ihuhulog mo lang ang letter at pagkatapos ay tapos na. Ganoon lang kadali, girl.

Okay, eto na maglalakad na--.

"K-Kung hindi mo talaga ako maalala... C-Can you just accept my love letter?" mabilis kong binawi ang una kong hakbang nang marinig ang sagot nang babae. Pinukpok ang aking sariling noo dahil sa kinalabasan. Aish! 

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Where stories live. Discover now