Chapter 13: First Class

9.9K 457 21
                                    

Chapter 13: First Class

Sam's P.O.V

"Sam, are you okay?" tanong sa akin ni Chloe pagkabangon ko sa higaan. 

"Mmm.." wala sa sarili kong tugon at humikab sabay dire-diretsong pumasok sa C.R. Lutang akong naghilamos kaya nang maramdaman ko kung gaano kalamig ang tubig sa mukha ko ay doon na ako nagising.

This is it! Monday na at unang klase ko na ngayon dito sa Blue Moon Academy.

Bumalik muli sa kwarto upang kunin ang aking twalya at pamalit damit. Naabutan ko si Maine sa kama na masarap pa din ang tulog dahil sa hapon pa naman daw ang schedule niya tuwing Monday. Si Chloe naman ay nagsasapatos, nauna siyang naligo.

6:30am nang magising ako. At magse-seven na gayong paligo pa lang ako. 8 pa naman ang start ng klase so maaga-aga pa. Malapit lang naman ang classroom.

Pumasok na ako ng banyo upang maligo. Kahit malamig ang tubig ay ininda ko. Kaya umabot ng 20 minutes bago ako lumabas ng banyo, nakasuot na ng uniform pero hindi pa maayos.

Pumunta ako sa sala upang magsuklay at naabutan ko si Chloe na naghahanda ng pagkain sa dining table namin. Napatingin ako sa mga pagkain nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi. Alam kong ininit niya lang 'yon dahil marami pa ang natira.

"Kain na, Sam. Ang dami mong inuwing pagkain kagabi, ang sasarap pa." aniya at ngumisi, napangiwi naman ako. Naikuwento ko pala ang nangyari kagabi kung bakit ganiyan karami ang dala ko.

Kainis si mokong. Ginugulat ako sa mga sinasabi niya. At ang malala pa ay muntik na akong maniwala sa sinabi niya! Nakakainis talaga!!!!

Sinabayan ko na lang si Chloe bago ayusin ang aking sarili. Ayoko nang maalala ang memoryang 'yon. Psh!

"Bakit parang mainit yata ang ulo mo, Sam?" sabi ni Chloe nang mapansin ang mabigat na pagkakagat ko sa mga pagkain, ".. hindi ba masarap ang pagkaing dinala mo kagabi..?" Tanong niya sabay ngisi, "... I mean, dala niyo ni Zayl--"

"Chloe." pigil ko. "Please, ayoko munang marinig ang pangalan ng mokong na 'yon." sabi ko at sumubo ng kanin. Natawa naman siya. "Pag... nakita ko talaga ang.. lalaking 'yon ay babatukan ko ang-." saglit akong natigilan dahil nang maalalang wala pala akong laban sa mokong. Ilang beses niya nang nailagan ang mga amba ko sa kaniya. Kainis!

Paano ba ako makakaganti sa isang mokong?

Nagtira kami ng pagkain para kay Maine pagkatapos kumain. Tinira namin yung may mga gulay gulay since maselan nga daw siya sa foods. Sakto namang bumango siya pagkatapos naming kumain.

"Grabe nightmare.." kahihikab na sabi ni Maine at umupo sa upuan, ".. nagpropose daw sa akin si Dion. Yuck!" sabay kaming natawa sa reaksyon niya.

If I remember, yung Dion na sinasabi niya ay isa sa mga member ng Team Z gaya niya at nung mokong. Binanggit niya na din sa amin yung pangalan niya kahapon nung may dala siyang adobo. 

Ano kaya ang mayroon sa lalaking 'yon at bakit laging badtrip ang mukha ni Maine kapag nababanggit niya ang pangalan nito? Gusto ko tuloy siyang ma-meet para malaman kung anong klaseng tao siya. 

Pagkatapos ayusin ang lahat ay nagpaalam na kami ni Chloe kay Maine. Sabay kaming lumabas ni Chloe dahil almost same lang kami ng schedule maliban sa isang subject na Celessian Language. Ayos na din sa'kin 'yon, atlis ay may kasabay ako sa first day. 

First day, eto na Sam, ayusin mo! 

Nang makalabas kami ng girls dormitory building ay maraming mga estudyante na din ang naglalakad sa quadrangle. Hindi ko alam pero bakit ang sarap nila panuorin, parang nasa movie lang ang peg.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon