Chapter 9: Her What Ifs

10.7K 510 36
                                    

Chapter 9: Her What Ifs

Sam's P.O.V

"Mmm! Ang sarap naman nito! Sinong nagluto?" tanong ko matapos tikman ang sabaw ng Adobo.

Hindi ko sure kung Adobo nga ba ang tawag dito sa mundong ito. Pero para kasi sa'kin, lasang Adobo talaga eh! Ang mga sahog ay katulad din sa Adobo. One of my favorites ko pa naman ito!

"Binigay sa akin 'yan ni Dion, so baka siya ang nagluto..." bored na sagot ni Maine na nainom lang ng tubig. Who's Dion? ".. Ubusin niyo na rin yan, sayang baka matapon ko pa."

"Huwag naman uy!" agad akong sumandok ng maraming pagkain, nagulat naman sila.

Sayang naman 'to!

"Ang takaw mo pala, Sam. Buti name-maintain mo yang sexy and fitted body mo?" si Chloe na kumakain din ng Adobo sa tabi ko. Nasa harap namin si Maine.

I shrugged my shoulder, "Ewan ko ba, kain ako nang kain pero never akong tumataba. Hindi rin naman ako nage-exercise." sabi ko and that's the fact.

Marami ako kung kumain, lalo na kung masarap ang ulam. Yung mga luto ni papa, ganon kasarap, palagi akong napapadagdag ng kanin kaya isang kaldero ay kulang samin kahit kaming dalawa lang naman ang kakain.

"Then, it's way too easy for you to maintain your fit body?" biglang sabi ni Maine at nakangiwi akong tinignan.

"Siguro?" I shrugged my shoulder again, "Ikaw ba Maine? Nagda-diet ka ba?" tanong ko at sumubo ng patatas. Pansin ko lang na inom lang siya ng inom ng tubig tapos fresh lettuce lang sa tabi ang kinakain niya.

Kami lang tuloy dalawa ni Chloe ang nakain ng dala niyang chicken Adobo.

"Maselan sa pagkain si Maine." si Chloe na ang sumagot, "..tignan mo, ang payat. Mga piling pagkain lang ang kinakain niya."

"Hmm, I see.." tango ko at kumagat ng chicken sabay sumubo ng kanin.

Sexy din si Maine, hindi naman siya ganoon kapayat. And actually, hindi niya na kailangan mag-diet kaya bakit ko ba naitanong 'yon sa kaniya?

B*bo lang, Sam?

Anyways, maganda rin siya, ang liit ng mukha niya pero makapal ang buhok niyang straight. Para siyang barbie doll lalo na't color pink ang mata niya.

Matapos naming kumain ay nagpresinta akong ako na ang maghuhugas ng plato since ako naman ang may pinakamaraming nakain. Nasanay na rin kasi ako since ganito ako sa bahay kasama si papa. Ang marami kung kumain-- este, ang maghugas ng pinagkainan hehe.

"Pahinga muna tayo ng one hour bago gumala since kakatapos lang natin kumain.." Sabi ni Chloe sabay dinuro ako, ".. Lalo ka na, Sam. Ang dami mong kinain! Matagal matunaw yan sa tyan mo." parang nanay niya pang sermon pero tinawanan ko lang.

Ang cute niya kasi, di na siya halatang mahiyain hehe.

"Gagala kayo eh tanghaling tapat, ang init init!" rinig kong reklamo agad ni Maine. May point naman siya.

"Kaninang umaga sana eh kaso sabi mo may emergency meeting ka--"

"Meron nga." putol niya agad kay Chloe. Nakikinig lang ako sa kanila habang naghuhugas ng plato sa kusina.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon