Chapter 25: Acknowledge

7.2K 327 28
                                    

Chapter 25: Acknowledge

Sam's P.O.V

"Argh! Ang hirap naman nito tanggalin!" reklamo ko habang marahas na kinukuskos ng basang basahan ang kahoy na pader na may itim na pinta.

Seriously? Gaano na kaya katagal nag-eexist 'to at hindi man lang nila magawang linisin kahit walis walis lang?

"Ugh! Bakit ko ba naisipang maglinis dito..?" napaupo ako sa pagod. Wala pang thirty minutes ay suko na agad ang katawan ko! Akala ko magiging madali lang pero hindi. Mabuti ba kung may sahod na kapalit ito pero wala eh.

Pero 'yun na nga, nasimulan ko na eh. Hindi naman pwedeng iwan ko na lang ng basta basta ito.

Nagbuntong hininga ako at tsaka tumayo. Kinuha ko ang munting timba at tsaka itinapat sa gripo upang mapuno. Mabuti na lang ay may water supply sila dito.

Nang mapuno ay kinuha ko ang powder na sabon na nakita ko sa underground base ng Team Z at hinalo doon sa timba na puno ng tubig. Hinalo ko iyon at pinabula bago ko isinawsaw ang mop at ipinahid sa sahig.

Pinagpapawisan pa ako habang ginagawa iyon. Kaya kinuha ko sa bulsa ang aking panyo pero natigilan ako nang hindi ko makapa 'yon do'n. Sh*t! Yung panyo ko na regalo sa'kin ni Liam ay wala sa bulsa ko! 

Naiwan ko ba? Nahulog ko ba? Saan? At paano nangyari? 

Nagbuntong hininga ako. Hays... marami pa naman akong stock sa bag. Pero kasi, it was a gift from my best friend! At ngayong wala siya dito ay parang narito lang siya dahil sa panyo na iyon. 

Argh! Careless mo talaga! Sorry Liam.

Di bale, mahahanap ko rin 'yan. Just hoping... Kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis at damit ko na lang ang pinang punas sa aking pawis. Grabe, ang sipag mo talaga Sam. Sana lang maging worth it lahat ng pagod mo pagkatapos. Ang hirap kaya maglinis!

Nang matapos kong mag-mop ay mas nangamoy na ang paligid. Bumabango na!

Mabilis kong tinapos ng maigi ang paglilinis at hanggang sa matapos...

"Finally! Malinis na, mabango pa!" sigaw ko nagsayaw sayaw sa malinis at makintab na sahig. Mahigit dalawang oras yata akong natapos kakalinis. Sa sobrang linis ay pwedeng pwede na nga mag-concert dito, libre lang oh!

Ma-try nga!

Kinuha ko ang walis tambo at ginawang gitara, habang naka-stand naman ang mop sa harap ko para kunwari'y mic ito.

"And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now~"

This song is one of my favorites! I also love the artist of this song. Madalas ko itong pinapakinggan sa bahay kasama si papa. And now, I missed him already.

"And all I can taste is this moment,
And all I can breathe is your life
And sooner or later, it's over,
I just don't wanna miss you tonight~"

Inistrum ko pa ang strand ng walis tambo bago hinintay ang pagpasok ng chorus.

"And I don't want the world to see me~"

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon