Chapter 19: Physical Training

8.9K 381 40
                                    

Chapter 19: Physical Training

Sam's P.O.V

"Sam! Tara na, male-late na tayo!" sigaw ni Chloe kaya binilisan ko ang pagsuot ng aking rubber shoes. Hindi ko alam kung nasintas ko ba 'yon ng mabuti-- bahala na!

Dahil maaga na naman si Maine na kanina pa umalis, ni-locked na ni Chloe and dorm kaya naglakad na kaming dalawa papuntang training field.

Yes, today is Friday kaya naka-physical training suit kami dahil whole day ang Physical Ability Training sa training field na napakalawak. Medyo na-late pa nga ako nang gising dahl sa pag-ooverthink ko sa mga nangyari kahapon. Na hanggang ngayon ay iniisip ko pa din.

Malapit na kami sa training field at napansin ko na agad na sobrang dami na agad ng estudyante.

"Halo halo ba ang mga year level students ngayon?" tanong ko kay Chloe habang papalapit kami doon, "I mean.. from first year to fourth year students ay nagt-training ngayon dito?"

"Yes, pero may designated instructor ang naka-assigned per year level." she answered.

Napatango naman ako, "Oh, okay.."

"Ayun yung pwesto ng mga first year, tara na mukhang nag-start na sila!" bigla ay hinila na ako ni Chloe para makatakbo kami. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng kakaiba nang makaapak na ako sa training field.

What is this? It feels like... my energy is rising up! Nakakawala ng antok at pagod!

Is this the work of magic? 

Ngunit hindi ko na 'yon masyadong pinagtuonan ng pansin nang makasali na kami sa iba pang mga first year students. Nagsisimula na sila mag-stretching ng body kaya nakisabay na lang kami ni Chloe sa likuran.

Buti nakahabol kami, baka mamaya ay may punishment sa mga late. 

"Lower your knee!" mula sa unahan ay naririnig ko ang pagsigaw ng assigned instructor namin siguro ngayon. Kaya naman ay inayos ko na din ang mga galaw ko kahit medyo nakakangalay.

"Bend! Ano ba 'yan, first years! Mga na-stroke ba kayo?!" medyo kinabahan ako nang marinig ko ang instructor na malapit na sa pwesto namin.

"One more! Ayusin niyo, first years kung ayaw niyong umulit sa umpisa! Move!"

Ginaya ko lang ang mga kilos ng mga estudyanteng nasa harapan ko dahil hindi pa naman ako pamilyar sa mga stunts na ginagawa nila. Medyo mahirap at mostly kailangan talaga ay flexible ang katawan mo pero nakakakaya ko naman.

Mahigit sampung minuto bago kami matapos mag-stretching. Halos mapaupo kaming lahat dahil sa pagod.

Those high energy I felt earlier was instantly drained. Hays.. 

"Ang hirap talaga magpa-stretching ni Ms. Kol." bulong sa akin ni Chloe na pagod din sa tabi ko.

Pinunasan ko ang aking pawis sa noo. "Yeah... ang sakit sa katawan." pinisil ko ang aking tuhod. Grabe.. parang pang-professional stunts na ang ginawa namin! 

"5 minutes break, pagkatapos ay tumakbo kayo at ikutin niyo ang buong field ng sampung beses!" halos manlaki ang mata ko sa sinabi ng aming instructor na si Ms. Kol. What the heck? Is she serious?

"Miss naman...!"

"Hindi na kaya ng katawan ko..."

"Akala ko pa naman mag pa-practice na tayo ng elements natin.."

"Or kaya ng shard ability."

Hindi lang pala ako ang may violent reaction, kundi halos lahat ng mga first year students na kasama namin ni Chloe ay may kani-kaniyang apila.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon