Chapter 18: Recruit

9.1K 383 40
                                    

Chapter 18: Recruit

Sam's P.O.V

One week na akong pumapasok sa Blue Moon Academy at hindi ko alam pero ramdam ko na agad ang kakaibang pakikitungo sa akin ng mga tao.

I mean, nung una kasi ay hindi naman nila ako masyadong napapansin. Ngunit ngayon, kung makatingin sila sa akin ay wagas, merong bumabati, merong umiiwas, at merong nakikipag-kaibigan. Basta iba't ibang klase ang way nila sa akin at medyo nakakabother iyon sa akin.

"Hi Sam." 

Lalo na itong kilala kong prinsipe na si Prince Martin. Napapansin ko na madalas na ang pagkikita namin, sa pagkaka-alam ko ay hindi naman kami ganoon ka-close sa isa't isa.

Naningkit ang mata ko, "H-Hello.." medyo awkward ko pang bati. Lalampasan ko na sana siya pero laking gulat ko nang sumabay siya sa akin.

"Why?" tanong niya nang mapansin ang pagtigil ko.

"Babalik na ako sa dorm namin, gusto mong sumama?" siya naman itong natigilan kaya napataas ang isa kong kilay.

Ayan! Why ka pa ha?

"I will just... going to the same direction-- to the Mini Resto! That's all!" mabilis niya namang dipensa, nakaiwas ang tingin.

"Hmm.." hindi na ako nakasagot at naglakad na lang. Kung 'yan ang rason niya... edi go! Not a problem! 

Anyway, today is Thursday nga pala... at cleaners ako ngayon kaya late akong umuwi at hindi kasabay si Chloe. Itong prinsipe naman ay hindi cleaners ngayon pero ba't late uuwi? Sa'kin pa talaga sumabay.

Wait at minute...

Bigla kong naalala ang mga pinag-usapan namin ni Zaylik nung nakaraang Linggo. Because it is all about... between the three of us.

And most likely between their teams.

-Flashback-

"So what do you want to talk about, Zaylik? Just so you know, may klase pa ako..." tanong ko kay mokong nang makahabol kami ni Premo sa kanya. Pero ang loko, parang hindi ako narinig.

Baka naman ay nangti-trip na naman 'to?

Nakalabas na kami ng Course Class Building ngunit wala pa din akong nakukuhang sagot. Hanggang sa...

"Premo, call the whole members of Team Z." pareho kaming natigilan sa sinabi niya. "We will meet in our Team Base."

What the hell did he just say? The whole members of Team Z! Seriously?

"Understood, Boss Zay." but before I could react, parang kidlat na nawala sa paningin ko si Premo kaya naiwan kaming dalawa dito ni mokong.

Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko na lang. Gusto ko man siyang tanungin about sa sinabi niya kanina pero baka deadmahin na naman ako, tsaka masyado siyang seryoso ngayon, mahirap biruin pag ganon.

Dahil masyadong lumilipad ang utak ko ay hindi ko na namalayan na tumigil kami sa isang maliit na parang bahay kubo. Tinignan ko ang paligid kung nasaan kami, maraming mga halaman at bulaklak ang nasa paligid ng munting kubo na nasa harapan namin.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Where stories live. Discover now