Chapter 11: Identification Card

10.4K 478 110
                                    

Chapter 11: Identification Card

Sam's P.O.V

"Wow, Sam. I didn't know na ganoon pala kalakas ang magical pressure mo. Hindi lang ako yung nasorpresa mo, pati lahat ng nakasaksi sa sa library." manghang mangha na sabi ni Chloe sa akin. Bahagya naman akong humalakhak.

"Lalo na si Ms Joyie.." patungkol ni Maine sa librarian. "Tsk tsk! Famous kana, Sam. Hindi ka pa nga nakakapasok sa school ay may issue ka na agad." natawa kaming tatlo.

Yes, pinagalitan kami ng librarian pagkatapos ang nangyari. Suspended daw kami ng one week doon sa Moon library, pati yung anim na punggok ay nadamay. Nakakatawa lang isipin na sa first day ko sa magic school ay may violation na agad ako. Hindi lang ako dahil nandamay pa ako ng iba.

Great job, Samantha.

"Eh ano pa bang magagawa ko? Nangyari na eh." sabi ko at nagtawanan na naman kami. Actually, hindi naman masyadong big deal sa akin ang bagay na 'yon.

Wala eh, nakakainis, sinagad na nung bruhang Hana na 'yun ang pasensya ko. And they reminds me of certain group of shits. Sino pa ba? Walang iba kundi yung dati kong schoolmates noon, sino Aliana, Casey, at ang mga tropashits niya na walang ginawa kundi ang magpahiya ng mga walang kalaban laban.

Sinama pa sa kalokohan ang childhood cru-- este friend kong si Liam.

At isa pa, kahit na puro panglalait lang ang ginagawa ng Hana na 'yon ay hindi ko pa rin matansya ang talas ng bibig ng babaeng 'yon. Hindi iyon maganda.

Akala niya ay siya itong kataasan.

"Pero, Sam..." napatingin ako kay Chloe nang bumaba ang boses niya. ".. Hindi ka ba nabo-bothered sa mga sinasabi nila... about sa amin?" tanong niya. Mukhang siya ay nabo-bothered doon.

"Hindi naman." kaswal kong sagot at nagulat naman siya. "Hindi naman totoo diba?" napatingin ako kay Maine dahil naka-cross arm lang siyang nakatingin sa amin.

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ng bruha sa tungkol sa kaniya na nilandi niya daw si Zaylik para makapasok sa Team Z.

Alam kong hindi 'yon totoo at bad rumors lang 'yon laban sa kaniya pero... It still bothers me.

I don't know but, It feels like.. I need to make sure about it, "M-Maine, totoo ba--"

"Never kong nilandi si Boss Zay." matigas na sabi ni Maine na para bang nabasa niya ang laman ng isip ko. "At tsaka, hindi ko siya type noh! I know he's handsome, manly and strong. Most of the girls type him but I only respect him as our leader. He was the one who recruited me at hindi na naman ako tumanggi because it's an honor for me na makasali sa Team niya." she explained.

Hindi ko alam pero parang huminga ang paghinga ko nang marinig ko ang sagot niya. Napangiti ako.

See? Hindi totoo ang mga rumors about sa kanila.

"Hindi totoo diba? At kahit ano pa man ang rason niyo ay alam kong may malalim na kahulugan 'yon. Pero hindi ko na dapat intindihin 'yon dahil ang mahalaga ay nasa tabi ko kayo." inakbayan ko sila pareho.

I never thought na magiging ganito akong tao. Hindi ako nagkaroon ng kaibigang babae magmula no'ng bata ako. Dahil si Liam lang ang tinuring kong matalik na kaibigan at malaki ang tiwala ko sa kaniya hanggang ngayon.

At sa tingin ko ay ganoon na din ang mararamdaman ko dalawang 'to. Kahit wala akong masyadong nalalaman tungkol sa kanila, ang mahalaga ay kasama ko sila ngayon.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Where stories live. Discover now