Chapter 15: Mystical Crystal Ball

9.6K 419 47
                                    

Chapter 15: Mystical Crystal Ball

Sam's P.O.V

Natapos ang aking first day of school dito sa Blue Moon Academy na puro pagpapakilala lang ang madalas na aking ginagawa. Well, transferee naman ako kaya natural na ipakilala ko ang sarili ko, but I didn't expect na ganoon pala... kaboring.

I thought it'll be more thrilling and exciting lalo na sa mga unang araw ko dito sa magical world. Well, masaya at marami namang nangyari sa akin these past few days, what I'm saying is yung studies ko.

Tatlo hanggang apat na klase ang subject ko araw araw tapos madalas ay hindi nila kino-consume ang buong oras kaya sobrang daming free time, dagdag mo pa yung vacant. Kaya ang ginagawa namin ay tumatambay na lang kami ni Chloe sa canteen tuwing free time.

Bawal din naman sa Moon Library kasi nga suspended kami doon ng one week.

Ngayong second day of school ko ay halos wala pa ring pinagkaiba. More on discussions lang ang mga professors.

Hindi ko nga in-expect na halos normal school routine lang ito sa Earth World. Akala ko mas mahihirapan ako dito since wala pa nga akong masyadong kaalam alam sa mundong ito.

Pero siguro sa una lang madali, habang patagal nang patagal, pahirap na rin nang pahirap. Kaya dapat mas lalo kong paghandaan.

At ngayon na nga ay kasalukuyang nagdidiscuss si Ms. Dizzy sa harap namin since siya ang adviser sa subject na...

The Origin of the MC Shard.

The moment I heard that name, hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin ang katagang 'yan. That MC or Mystical Crystal thing, I think I already heard it before. I'm sure of it.

"Who is Avriah?" tanong ni Ms. Dizzy, siya ang prof namin ngayon. Avriah?

"Yes, Mr. Rodriguez?" tawag nito nang magtaas ng kamay ang isa naming kaklase.

"Avriah Mistica o mas kilala bilang Priestess Avriah, she is the first priestess of Mistica Clan in Celestial World, and she is the owner of Mystical Crystal Ball, also known as MC Ball." mahabang sagot nito. 

Avriah again? I don't know but that name seems familiar to me. 

"Very good. And not only that because Priestess Avriah was once a powerful mage. Dahil sa sobrang lakas ng kapangyarihang tinataglay niya, she sealed most of her power inside her empty crystal ball. At nang mai-sealed niya na ang halos lahat ng kapangyarihan niya sa loob ng bolang crystal, tinatawag niya na itong, Mystical Crystal Ball..." dugtong ni Ms. Dizzy, ".. Who wants to tell what happened next?"

Hindi ako kumikibo at nakikinig na lang sa kanila. Well, wala naman akong idea sa mga dini-discuss nila. Kung meron man edi sana sinabi ko na.

Maya maya'y biglang nagtaas ng kanay ang kaklase kong nasa harap ko lamang, "Ms Dizzy!"

"Peèrto zabě ru irō, Miss Agonzo." batid kong nagsalita na naman ng Celessian Language si Ms. Dizzy dahilan para magpatuloy sa pagsagot ang kaklaseng nasa harap ko.

Translation: Please continue the rest, Miss Agonzo.

Now, I'm eager to learn Celessian Language more.

"The Mystical Crystal Ball of Priestess Avriah became more even powerful kung saan umabot sa point na, maraming mga mages and sorceress ang gustong umangkin nito. They become more aggressive enemies for her lalo na't dinamay ng mga kalaban ang pinakamamahal niyang pamilya, ang Mistica Clan..." mahabang sagot nito.

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Where stories live. Discover now