Chapter 20: Shard Ability

9.1K 370 30
                                    

Chapter 20: Shard Ability

Sam's P.O.V

"First years, line's up!"

After namin matapos ang five lapse running at 30 minutes break, bumalik muli kami sa training field but this time, ibang instuctor na ang bumungad sa amin, hindi na si Ms. Kol. 

"Okay, nandito na ba ang lahat ng first year students?" sabi ng bago naming instructor, she's also a woman pero malaki at malakas ang boses niya. 

"Chloe, sino yung bago nating instructor?" hindi ko na natiis tanungin si Chloe. 

"Si Ms. Martea Poblacion, pero tawagin mo siyang Ms. Mar.." pabulong na sagot niya sa akin. "She's a pro when it comes to releasing someone's shard ability."  bigla ay na-excite ako sa sinabi niya. 

Shard ability? That means... 

"Okay first years, listen..." napunta ang atensyon namin sa bagong dating na instuctor na si Ms. Mar. "Those students na wala pa ding shard ability, pumunta dito sa tabi ko. While yung mga meron naman, wait for Mr. Rivera to come here para mag-start na kayong magtraining at ma-enhance ang inyong shard ability. Okay?" 

Dahil doon ay nagkatinginan kami ni Chloe. 

Lumapit siya sa akin nang may nakakatuwang ekspresyon, "Sam, this is it! You have a huge possibility to learn your shard ability so don't waste the chance!" parang siya pa yung mas excited kaysa sa akin. 

Pero, tama naman siya. I've been waiting for this moment in my life ever since I came to this world. 

Nung malaman ko na may element pala ako syempre naging excited din ako kasi hindi ko talaga ine-expect na magkakaroon ako ng powers. Tapos idagdag mo pa ang shard ability na posibleng ngayon ko malaman. And from that moment, I feel like... I'm finally be able to merge myself in this magical world.  

"Good luck, my friend! Balitaan mo'ko ah!" huling sabi ni Chloe bago umalis para pumunta sa kabilang grupo. Kumaway naman bilang tugon. 

Excited na ako na may konting kaba hehe. 

Nang makumpleto na ang lahat ng first year students na hinati kami sa dalawang grupo ay sinubukan kong makisama sa iba. Medyo nagtaka pa ako dahil iilan lang kaming nandito. Bilang lang kaming mga wala pang shard ability, siguro hindi lalagpas ng bente I guess. 

"Okay, kumpleto na ba kayo dito? Lahat ng mga wala pang shard ability?" tanong ng instructor namin na si Ms. Mar. Kanina ko pa napapansin na napapadalas ang pagsabi niya ng 'okay'.

But, never mind about it. Let's focus.

"Yes.." sabay sagot ng mga kasama ako. 

Nagkatinginan kami ni Ms. Martea at medyo nailang ako nang tumagal ang tingin niya sa akin. Kaya naman, ako na ang unang umiwas ng tingin. 

Sheesh... bakit kasi sa pinaka-unahan ako pumuwesto? 

"Before anything else, I want everyone to introduce yourselves to me while showing me your shard. Just state your name and tell me what do you want me to call you para mas mapabilis ang ating conversation. Okay?" aniya na tinanguan naman namin. 

At dahil nga nasa unahan ako nakapuwesto, ako na ang nagvolunteer para unang magpakilala.

"My name is Samantha Fhey Alcantara and you can just call me, Sam." pakilala ko at ipinakita ang aking kwintas na may pendant na shard. 

Tumaas ang kilay niya habang nakatitig doon, "Hmm... your shard is quite big and in a good shape." sabi pa nito. 

Napaisip naman ako kaya tinignan ko ito. Hindi ko napansin ang about d'yan ah. Halos one inch kasi ang laki ng shard na'to na binigay sa akin ni papa tapos pa-diamond shape rin ito at matulis ang dulo. 

Blue Moon Academy (C.A Series #1)Where stories live. Discover now