Synopsis... daw

525 16 7
                                    

            May mga bagay na hindi mo inaasahang darating sa buhay mo. Iyong tipong… hindi ka talaga handa at nagpatangay ka na lang sa agos. May mga bagay din na dapat panatilihing sikreto. Iyong wala talagang nakaaalam. Iyong tipong dapat nang ibinabaon, anim na talampakan sa ilalim ng yelo ng North Pole.

            Anong koneksyon nito sa kwento? Wala naman.

            Siya si Kell, self-proclaimed na gwapo... Brokenhearted nga lang ang gago. Pumasok bigla sa bahay niya ang kulay orange na pusang baboy kasabay ang pagpasok ng amo nito sa buhay niyang magulo. Si Jigger iyon, ang babaeng magaling mang-hard at mang-troll. Anong mangyayari sa kanilang dalawa? Magkaka-in love-an kaya sila o forever friendship lang ang drama?

            Hmm… Ito nga pala ang kwentong feeling comedy at feeling action. Nagfi-feeling din sa drama at nagpupumilit na pusa ang baboy—ah, este—na baboy ang pusa. Magulo ba? Teka, paguluhin pa nating lalo.

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now