Chapitrè 32: Enjoy

65 7 7
                                    

Mariz' POV

Nasa pool silang lahat. Pumunta muna ako sa shower room para magshower ng kaunti at maliligo na din ako sa pool. Habang papunta ako sa shower room ay parang may nasunod sakin. Bahala na nga, baka guni-guni ko lang yun. 

Nang matapos ako magshower ay pumunta na muli ako sa kubo para ilagay yung towel ko. 

"Uy Mariz! Tara na." sigaw ni Rollaine.

Nakita ko naman si Colin at Jayanne na nagiihaw ng barbeque. Hindi ako nagseselos sa kanila, Im happy for them actually. Sana makasurvive si Jayanne sa sakit niya para macontinue pa nila ang love story nilang dalawa. Masyado ng madaming napagdaanan si Jayanne, sana naman ay makuha niya na ang para sa kanya at ang ikasasaya niya. Masasabi kong may ugali si Jayanne pero sa loob nito ay may mala-anghel na puso. 

Nahuli nila akong nakatinggin sa kanila kaya nginitian nila ako. Sobrang comfortable na ako sa presence nila. Nginitian naman nila akong dalawa pabalik . Pabalik na sana ako sa pool para magswimming pero tinawag ako ni Jayanne.

"Mariz! " sigaw niya. "Tikman mo tong inihaw namin ni Colin."

Eh? Kung kailan ako magsiswimming? Pero dahil mahal ko sila pareho ay kusang naglakad ang paa ko papunta sa kanila at kinuha ang inaabot ni Jayanne na barbeque sakin. Pagkagat ko ay nagulat ako sa lasa. Hindi ako nakapagsalia at inubos na iyon. Nanghingi pa ako ng isa sa kanila at binigyan naman nila ulit ako habang tawang tawa.

"Hindi ko alam Jayanne at Colin na ang sarap niyong gumawa ng barbeque." I complimented them.

"Haha. Bonding namin yan dati eh. Lagi kaming nagluluto." Sabi ni Jayanne. Napangiti naman ako, hindi ko inakalang nagagawa pa ni Jayanne ngumiti. Sana hindi na ito ang huling pagluluto nilang magkasama. Please Lord, patagalin niyo pa po ang buhay ni Jayanne.

"Sige, maiwan ko muna kayo ha?" sabi ko at sabay naman silang tumango-tango.

Pagdating ko sa pool ay nagpipicture taking sila.

"Uy Mariz! Sama ka dito dali!" Sigaw ni Nicole saakin.

Naglakad naman ako papunta sa kabilang pool at tumabi kay James na ngayon ay nakasimangot. Aba Aba! Tinatarayan ako?  Anong problema ng monggoloid na to? Haha! Namumula yung pisnge niya my gash! Ang cute. Nagpicture na kami at tinitigan yung mga pictures. 

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabay sabay na tawa namin ng i-zoom ni kuya Lucas yung mukha ni James na nakasimangot.

"Kuya Lucas!" sigaw ni James.

"Why?" natatawang tanong ni Kuya Lucas.

"Hmmp!" bigla naman siyang walk-out at sabay sabay kaming nagsitawanan.

"Ano ang nangyare dun? Bat mukhang masama ang timpla?" tanong ko.

"Kanina pa kasi pinagtitripan yan." Sabi ni Ate Lana.

"Hahaha! " Tawa ko. Lahat sila nanahimik kaya binigyan ko sila ng What?!-look.

"If I were you, susundan ko yun" Sabi ni Rollaine.

"OO nga, Mariz. Kanina pa yan ganyan." nakangiting sabi ni Ate Lana. Bat ang ganda ni Ate Lana? Ambait pa. Samanalang si Harry napakasamang tao.

"Ano ba kasing nangyare dun?" Kinakabahan kong tanong.

"Ewan ko dun. " sabi ni Prix.

"Kanina pa kasi hinihintay yung Prinsesa niya. OP kasi siya samin. " sabi ni Nicole na nagpahalakhak sa kanila.

"Sino ba namang hindi diba? Siya lang magisa. Haha" Natatawang sabi ni Harry.

"Haha sige, maiwan ko na muna kayo diyan." sabi ko at nagba-bye sa kanila.

Dear HighschoolWhere stories live. Discover now