Chapitré 24.1: Confession Night

82 13 12
                                    

Rollaine's POV

Sabi nga nila... iba talaga ang nagagawa ng nagmamahal..

Kaya nitong baguhin ang sitwasyon at guluhin ito. Kaya din nitong saktan ang nakakarami. Kaya ako? Hindi na muna ako magmamahal...

Dahil natatakot akong masaktan..

"Oh! Rollaine. Asan na yung ipapakita mo samin?" Sabi ni Harry.

"Bro! Sira ka! Palusot lang yun." Sabi ni Prix.

"Wala kasing common sense yan si Harry. Jusq!" Inis na sabi ko. Mula pa man dati eh naiinis na ako jan. First day pa lang. Hanep lang.. magkatabi pa kami.

"Ang complicated naman ng mga nangyayare. Kay Mariz nalang ako naawa at kay Jayanne eh.." ani ni Prix na nakapout pa.

"Oo nga.. Kawawa naman ang bestfriends ko.. kahit masama yang ugali ni Jayanne... naaawa ako jan." I said while looking above. Magliliwanag na pero hindi ganoon na nakakasilaw ang araw. "Grabe talaga mga lalaki. Tsk!"

"Oh? Bat kami nanaman sinisi mo? Tanong ni Prix.

"Kala niyo lang sa babae kasing lakas niyo. Andami kaya naming pinapahalagahan. Kaya ayoko magmahal eh."

"Bakit naman?!" Sabay na sabi nilang dalawa.

"Eh? Sabay talaga? Hahaha. Problema lang yang pagmamahal na yan."

"Tsk!" Sabi ni Harry sabay walkout.. Aba may pa walkout. Pero tumigil na muna siya. "Hahanapin ko na sila." Sabay alis.

"Problema nun?" Tanong ko.

"Crush ka ata." He chuckled. "Sige sundan ko na yun. Baka magbigti eh." At naglakad na siya papalayo habang tinataas ang kamay niya at nagwave ng bye bye.

"Anong???? Tss. Crush naman talaga ako nun." Sabi ko sa sarili ko.

Nung dating paglabas namin ni Mariz galing room eh sinundan pala ako ng ugok. May sasabihin daw siya.

Iniwasan ko siya that time kasi may nangyari kaya hinabol ako.

Flashback

Naandito ako ngayon sa restroom para mag polbo. Ofcourse.. nature na yun. We also feel insecurities.

Palabas na ako ng Restroom. Going to our next class... I decided to open my phone when I felt a vibration.

______________________________________

From: Unknown number

Hi! You are beautiful always remember that. <3

______________________________________

Shemay! Sino to? Stalker? Gash! Baka may gawin sakin to.

Choss. Infairness.. nakakatouch ka kuya kung sino ka man.

Hindi na ako nagreply. Baka maging textmate ko pa to eh. Saka ako? I actually don't talk to strangers lalo na in text.

Tumakbo na ako papuntang room dahil medyo kinalibutan ako. Hahaha!

Ng bigla akong mabubunggo. Kala ko ay babagsak ako sa sahig pero ng ibuka ko ang mga mata ko ay buhat buhat ako ng isang lalaki.

Nakatinggin ako sa kanya. Bakit ang ganda ng mata niya? And yung ilong niya.. then he's lips..

Pero bumalik ako sa realidad ng nagsmirk siya..

"Harry!" Sigaw ko.

"Oh bakit?" Sabi niya habang polinipigilan ang tawa.

Dear HighschoolWhere stories live. Discover now