Chapitré 20: Bon Fire

71 15 8
                                    


Mariz' POV

"OY! Gising na Mariz. Magdidinner na daw tayo." Sigaw ni Rollaine.

"Kasi naman! Ano ba!" Pagrereklamo ko.

"Hoy! Wala ka sa bahay niyo! Baka naman!" Yugyog sakin ni Rollaine.

Bumangon na ako at naginat. Gabi na din dahil wala ng liwanag na nagmumula sa araw. Tinignan ko yung relo ko at 6:30 o'clock na.

Nagayos na ako ng buhok ko. Nakasando lang ako pero may blazer naman partner nun ang high-weisted na short at mini boots.

"Hoy! Jayanne. Mauna na kami ha." Sabi ni Rollaine.

"Teka wait girls. Malapit na ako..." ano ba kasing ginagawa niya sa loob.

Paglabas niya ay nagulat ako sa itsura niya. Naka violet jacket with matching white maong shorts at gray sandals.

Si Rollaine naman.. ayan naka Gray shorts at tshirt.

"Oh ano? Tara na.." sabi ni Rollaine.

"Sige! Tara na!" Nakangiting sabi ni Jayanne. Nginitian namin siya ni Rollaine.

Sana lagi nalang ganito. Walang galit na namumuo sa pagitan namin nila Jayanne.

"Ammm Jayanne. Galit ka pa ba sakin?" Tanong ko.

"Ha? Why would I. Nakikita ko naman na nagiging mabait kayo sakin ni Rollaine... Kaya I can consider us friends...." nakangiti niyang sabi.

"Hayst. Alam mo Jayanne. Hindi ka mahirap kaibiganin. Iwasan mo lang maging mataray.. Hahaha." Sabi ni Rollaine.

"Hahahhaha. Okay okay... Friends?" Tanong niya.

"Friends!" Sigaw namin.

"Oy! Mukhang nagkakasundo ah. Sama kami!" Biglang may yumakap samin.

Si Prix...

Bigla naman siyang hinagis ni James.

"Hoy! Prix... Mga babae yan... dapa--" hindi ko siya pinatapos at hinila namin silang tatlo.

"Group Hug!!" Sigaw namin ni Jayanne.

Hinila kasi ni Jayanne si Colin, si Rollaine ay si Harry at hinila ko naman si James.. ayon naiwan si Prix.
Bigla siyang yumakap samin at may naramdaman akong kamay sa bewang ko na tila niyayakap ako nito.

Sinilip ko kung kanino galing ang kamay... hindi... biglang may kidlat sa tiyan ko...

Si Colin.. nakayakap sakin?

Ako na ang bumuwag sa yakapan..

"Tara upo na tayo." Sabi ko.

Umupo na kami sa table namin.

Ganto ang posisyon namin lagi.

Left side
*James
*Mariz
*Rollaine
*Prix

Right side
*Jayanne
*Colin
*Harry

Bali katabi ko si James at Rollaine at katapat ko naman si Colin.

Nakaserve na yung pagkain namin sa lamesa. Camping to pero may taga serve? Ano un? Sosyal lang...

Huu! Gutom na gutom ako. Subo lang ako ng subo. Subo nito subo nun. Pero bigla akong nabulunan.

"Tubig!" Tapik ko kay Rollaine.

Bigla naman sila tuminggin sakin. Hindi na ako makahinga..

"Takte! Tubig!" Sigaw ko.

Bigla naman silang nataranta. Yung pitcher na nasa gitna wala biglang may dalawang kamay na nakahawak.

Dear HighschoolWhere stories live. Discover now