Chapitré 16: Precious Tears

73 14 2
                                    

Pumunta na ang groups sa kanya kanyang kotse nila.

Kainggit naman. Gusto ko na din matuto magdrive pero ayaw nila papa. Bata pa daw kasi ako.

"Mariz! Halika dito!" Sigaw ni James saakin.

"Anjan na!"

Paglapit ko sa kanila ay tinitigan ko si Colin at Jayanne.

Tila may malalim na pinaguusapan ang dalawa. As in pinaguusapan talaga na seryoso. Kacurious ate!

"Sumakay na kayo sa kotse." Malamig na pakikitungo ni James.

"Tara na guys" malamig din na pakikitungo ni Harry.

Anyare? Bat parang nakangiti naman sila kanina. Bipolar lang. Ba yun. Si Rollaine naman mukhang beastmode din.

"Rollaine anyare?"

"Ha? Anong anyare? Tara na"

"Ok lang ba kayo?"

"Oo naman. Tara na"

Sa unahan si Harry at James at pangatlong part kami samantalang pangalawa si Colin at Jayanne.

May space pa naman actually sa tabi ni Colin at Jayanne. Pero mas pinili namin sa likuran.

Nung papasok na ako ay may narinig akong maliit na convo nila.

"Dala mo ba?" Tanong ni Colin.

"Oo."

"Ayaw kita mapahamak"

"Hindi ako mapapahamak Colin. Basta wag kang lalayo"

"I promise."

Bakit ansakit? Ansakit parin pala. Sobrang sakit isipin na may concern siya sa kanya samantalang sakin?

WALA.

Ok badtrip na din ako. Nakakainis!

"Aalis na tayo." sabi ni James.

At umandar na ang kotse papaalis. Nakasimangot lamang kaming lahat.

Nakatinggin pareho si Harry at James sa daan. Si Rollaine naman eto tulog. At Si Jayanne... nakapatong yung ulo niya sa balikat ng taong mahal ko.

Nakakapatay tong selos na nararamdaman ko. Ansakit sakit.

Bigla nalang may tumulong luha galing sa mga mata ko ng ipatong ni Colin ang ulo niya kay Jayanne. Ang isang patak ay nadagdagan pa.

Hindi nila alam na nasasaktan ako. Oo. Hindi nila alam at wala silang pake. Pero bigla akong napatinggin sa rear-mirror..

Nahuli ako ni James na may luha sa aking nga mata. Kanina pa kaya siya nakatinggin. Agad kong pinunasan ang aking mga luha.

"Itigil mo ang kotse!" Sigaw ni James.

"Pre. Wait, may break naman. Doon nalang oh. "

"Then drive faster!"

"No I can't James. Nasisiraan ka na ba?" Iritadong sabi niya habang nakatinggin sa kalsada.

"Tss. Ititigil mo yung kotse o makikipagagawan ako ng manibela sayo!" Sigaw ni James.

Napatinggin ako kay Colin at Jayanne na kanina pa gulat sa iniaasta ni James. At eto si Rollaine gising na.

"Ok ok. Fine! Sira ka na talaga"

Itinigil niya ang kotse sa gilid buti nalang wala kami sa highway. Bukid ata to.

"Ako ang magdadrive. Ikaw Mariz, dito ka umupo sa tabi ko. Ikaw Harry dun! Sa tabi ni Rollaine. Takte! Dalian niyo!"

Dear HighschoolTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang