Chapitré 5: Beside him

114 16 17
                                    

Tapos na ang breaktime kaya nagproceed na kami sa classroom.

Katabi ko ngayon si Rollaine at Colin. Naghintay kami ng teacher at maya maya lang ay may dumating sa pintuan ng room..

Pero hindi iyon teacher kundi si Harry, Prix at... wait James? Omayghad.

May excess na upuan sa likuran namin na for three kaya nagdecide sila na doon nalang umupo.

Lahat ng babae nagsitingginan sa kanila at halatang kinikilig... Bago sila makaupo, tinignan ako ng masama si James.. pero hindi ako nagpatalo, tinarayan ko siya.

"Rollaine.. pst. Bat nandito yan?"

"Malay ko. Nalipat na pala sila sa section B.. sabagay kahit san naman nila gusto pwede. Kasi Tito ni Prix ang may ari ng school."

"Woah.. nice. Pero bat kailangan pa nila umupo dito sa likuran natin."

"Stupid! Malamang yan nalang natira na upuan."

"Tss. Sabagay."

Maya-maya ay dumating na ang teacher namin.

"Good Morning Class."

"Good Morning Ma'am Maya."

"You may sit down"

Lahat naman kami ay nagsiupuan pero bago yun tuminggin ako sa likuran at sinamaan ng tinggin si James n nahuli kong nakatinggin sakin.

"So class before you introduce your selves. Let me arrange your sitting arrangements. In this way, you can make new friends especially the transferees. "

Lahat naman ng estudyante ay nagsitayuan at pumunt sa gilid.

Isa isang inarrange ni mam ung mga classmate namin at 6 nalang kaming natitira.

Si Rollaine, Colin, ako, Prix, Harry at James. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyare.

"Okay. Harry, Rollaine and Prix. Gitna ang babae. And Colin, and you."

Tinuro niya ako. Sabagay transferee palang naman ako kaya hindi pa niya ako kilala.

".... and James. Kayong tatlo magkakatabi."

Aba. Okay lang. Kasama ko naman si Colin kahit katabi ko tong monggoloyd na to.

Nung paupo na kami ay nagsalita si Monggoloyd...

"Ma'am. It isn't allowed that these two will be beside each other. Because They know each other na."

"But It's okay James" sagot ni Mam Aya.

"Mam. I think It will be fine if Me and Colin will swap." Sabat baman ni Prix.

"Okay. If that's what you want"

Hala. Bat ang bilis niya pumayag. Hindi naman ako pwede makipagdebate dahil new student lang naman ako.

May isa pa naman akong swerte dahil harapan ko lang naman sila Rollaine.

"So Hi Ms. Mariz" sambit ni James sakin.

Akala ko ba cold tong isa na to. Eh bat nakikipagusap to.

Maya maya ay tumahimik na siya at hindi na nagsalita pagkatapos ng Introduce yourselves. Bat ang malas ko ngayon..

Bakit ang malas ko ngayong first day of school. Nakatabi ko pa tong hatest person ko. Hay nako.

Dear HighschoolUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum