Chapitré 2: Colin

154 19 14
                                    


Mariz' POV

Gathered kami dito sa school gymnasium para sa flag ceremony and orientation na din to know our advisers. Ibibigay na din nila yung schedule namin for the whole school year. Ang saya saya ko dahil meron na akong friend si Rollaine at classmate ko siya. 

Nag-announce lang yung MC ng mga rules and regulations. 

Papunta na kami ng room ng may makita akong lalaking magisa at pinagtatawanan siya ng mga lalaki. 

Wait what- sila ung kaninang pinaghihiyawan ng mga babae ah.

"Rollaine, ireserve mo ako ng table sa room babalik ako, wait for me nalang sa taas." Nakangiti kong sabi sa kanya at tumango naman siya.

Nagtago ako sa wall at pasimpleng tinignan kung pano ibully ng mga lalaking yun ung nerd... kawawa naman siya. Dahil matapang akong babae. Ay sumugod ako at sinigawan sila ng malakas. Kaines, yung mga teachers malayo na, pano ako makakahingi ng tulong.

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya!" sigaw ko sa kanilang apat.

Nagulat sila sa pagsigaw ko dahil sabay sabay silang tuminggin sakin even ung binubully. Kumunot yung mga noo nila at nakangisi lamang yung binubugbog.

"Ow look, may night and shinning armor ka pala." sabi nung lalaking todo ngiti or should I say, si gilagidboy. "Babae ngalang."

"Anong ginagawa niyo sa kanya? Ha! Isusumbong ko kayo sa office. Hindi ba kayo nakinig sa rules ang regulations? Pwede kayo mawala dito sa school! Kaya Itigil niyo yan."

"We are an excemption." seryosong nakatinggin saakin yung lalaking may broad na shoulders, kala mo naman napakagwapo. "Kung ako sayo, umalis ka na. You're wasting our time."

Tinuloy nila ang pang bubully sa lalaki. Nakangisi pa din siya hanggang ngayon, bakit hindi manlang siya lumaban sa kanila. No choice kaya tumakbo ako at sinabunutan ung leader nila.. si James ata un sa pagkakatanda ko. 

"How... Dare... You... TOUCH MY HAIR" Nakakunot ang noo niyang nakatinggin saakin at parang sasabog na sa sobrang inis.

"Oh ow." sabi ng pandak na lalaki.

Nung akmang susuntukin na niya ako ay agad namang may pumigil sa kanya.

"Ku-kuya.. salamat." nakangiti kong sambit kay kuya Lucas. Nginitian nalamang niya ako at tinignan niya si James.

"Wag na wag mo sasaktan yung kapatid ko James.. Wag na wag.. Pag nakita kong nasaktan siya at dahil sayo yun.. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

"Wag mo akong takutin Lucas. Kaya kita kahit mas may kapangyarihan ka sakin dito sa school. Let's go." yaya niya sa mga tropa niya.

Umalis na sila kasama ng mga alagad niya at bago sila maka-alis ay tumingin muna ung isa sa akin at tinawanan ako.

"Okay ka lang ba?" Sambit ko sa lalaking nagkalat ang gamit sa sahig.

"Okay lang ako salamat."

"By The way, paalam na muna Mariz, magiingat ka sa susunod ha." Sabi nita while tapping my head.

Pagkaalis ni kuya ay tinulungan ko ung na bully na magayos ng gamit niya.

"Okay ka lang ba talaga?"

"Yep. Salamat sa help, Colin pala." Inabot niya sakin ang kamay niya at kinamayan ko naman siya.

"Mariz."

"Nice to meet you Mariz."

"Saang room ka pala?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh Grade 11. Section B."

"Seryoso? Classmates tayo? May nerd pa din pala sa section B."

"Sorry, hindi ako nerd. That was just a disguise."

"Eh?" kaya ba nakangisi lang siya the whole time?

"You heard me right." natatawa niyang sambit. Napa-nod nalang ako and I checked my phone.

"Oh My! Tara na sa class natin" ano ba naman yan!

"Ow. Wait! 45 minutes na tayong late sa class natin pano yan?"

Tinignan ko ang orasan ko at late na nga kami ng 45 mins. It means matatapos na rin ung class. Ang malas ko naman.

"Gusto mo sa canteen muna tayo mag stay?" he asked.

"Pwede ba yun?" tanong ko naman sa kanya. Hindi ba kami mapapaoffice nun?

"Oo naman, isa ata sa nagdonate ng mga kailangan ng school na to ang family ko."

"Hala seryoso? Ang galeng!" sigaw ko at pumalakpak.

It was just my first day pero madami na akong nakilalang kaibigan pero dalawa lang sila HAHA. Si Colin at Rollaine.

Wait what? Si Rollaine! Hahaha! Nakalimutan ko siya at baka nagaalala na yun saakin. Magsosorry na ngalang ako.

Dear HighschoolWhere stories live. Discover now