18. fillet

1.4K 145 8
                                    


"...ang dami-dami naman nito..." Yaya Gloria said as she saw the boxes and shopping bags that Jessie brought into the condo. She peeped into the boxes and bags"...gaano ba kadami ang bisita sa Sabado? Baka kulang yung mabili kong gulay..."


"....ang kalahati ata nito kay Ma'am e..." Luis said entered the unit a few minutes later with another big box.


"Para dito yan...at para sa pamilya ni Ma'am..." Jessie said, wiping his brow.


"O, eh bakit dito nyo dinala?" Yaya asked.


"Nag-away yung dalawa..." Jessie said.


"Ha? Bakit?" Yaya looked at Jessie


"...ako yung nagtutulak ng cart habang namimili si Ma'am. May hawak syang listahan. Sabi nya, para daw sa party. Nung magbabayad na sana kami, biglang sumulpot si Sir na may tulak din na cart na punong-puno ng grocery. Nagulat kami pareho ni Ma'am. Nagtanong si Ma'am kung para saan daw yung pinamili ni Sir. Sabi ni Sir, para daw kay Ma'am yun. Para sa pamilya nya. Nainis si Ma'am at iniwan kami dun sa kahera. Akala naman ni Sir, nag-CR lang. Di bumalik si Ma'am kaya hinanap namin at naabutan sa bahay nila. Nagpaiwan na si Sir sa bahay ni Ma'am. Tatawag nalang daw pag nakausap nya na si Ma'am. Eh nung iniwan namin, ayaw pa syang pagbuksan ng pinto." Jessie recounted.


"Naku!"


"Maganda naman yung intensyon ni Sir. Maling timing lang siguro." Luis said.


"Siguro. Paano ba sila pag nag-s-shopping?" Yaya asked.


"Naku! Parang may batang makulit na dala si Ma'am. Kung anu-ano ang pinupulot ni Sir at nilalagay sa cart. Ibabalik ni Ma'am o ipapabalik sa akin."


"Hmm...simula nung nagtrabaho ako dito bilang kasambahay, ako ang laging namimili para sa atin. Tinatanong ko lang si Sir kung ano ang gusto nya kainin tapos magsasabi ako ng budget...bibigyan ako ng pera tapos ako na ang bahala...yun kasi ang sabi ni Lourdes sa akin. At parang di ko maalala kung nakauwi na si Sir ng shopping bag na galing sa supermarket noon..."


"Hmm...parang wala nga...mas napadalas nalang yung pagpunta namin sa grocery nung naging sila ni Ma'am. Pero, madalas, si Ma'am lang ang namimili para daw sa kanila. Konti nga lang e. Mga isa hanggang tatlong supot lang at di pa laging puno yun."


"Ahh..." Yaya said.


"Ay teka. Nag-text. Luis, sunduin na daw natin" Jessie received a text message.


"O sige. Puntahan nyo na. Ayusin ko na yung iba dito." Yaya Gloria said as she continued to put away the groceries in the pantry.




"Sir..." Jessie knocked at the door of Meng's house. The couple were in the living room.


"Let's go!" Richard immediately stood up, bussed a kiss on Meng's cheek, and got into his SUV.

feast (completed)Where stories live. Discover now