16. stew

1.3K 137 5
                                    

"Good afternoon"

"Good afternoon...yes Ma'am what do you like to eat? Today we have dinuguan with puto, ginataan, palitaw, pichi-pichi, kutsinta, and maruya..."

"Hmm...mukhang masarap yung dinuguan..."

"Okay po...gusto nyo din po ba ng sago't gulaman?"

"Ah oo...salamat..."

"Sige po, maupo na po kayo, ihahanda ko lang po at i-s-serve po sa table nyo..."

"Ah sige....salamat...."



"...eto po...ininit ko po yung dinuguan at kumuha po ako ng fresh puto na galing sa steamer..."

"Wow! Salamat..."

"Teka...kukuha po ako ng tubig...."

"...kumuha ka na rin ng extra na kutsara at mangkok...pagsaluhan na natin tong dinuguan..."

"Po?"

"Kayo poang mother ni Meng, di ba?"

"...ah opo...ako po ang Nanay ni Menggay...yung lalake pong nagbabantay dun sa stall, anak ko din, si Dino..."

"Hmm...maupo ka...ako nga pala si Rose...Rose Faulkerson..." Mama extended her hand for a handshake.

"Maryann...Maryann Mendoza..." Nanay shook Mama's hand.

"...maupo ka...hmm...masarap itong dinuguan...luto mo?" Mama offered and Nanay sat down. Mama ate a spoonful of the dinuguan and took a bite of the puto.

"Ah opo..."

"Lahat ng merienda, niluto mo?"

"Yung mga kakanin, in-order ko po sa mga kaibigan ko, yung mga ulam at lutong pagkain, pinagtutulungan namin lutuin ng mga anak ko..."

"Hmm...sabi nga ni Rj, magaling magluto si Meng..."

"Natututo na rin..."

"Hmm...si Rj kasi di ata marunong magluto e...di ko alam kung natuto sya...di ko kasi masyadong nasubaybayan ang paglaki nya e...nangibang bansa kasi kami nung bata pa sya...nung nagsimula na sya lumaki at nag-aaral na, pinasok naman ni Mama, yung Lola nya sa Papa nya, sa boarding school..."

"Ah talaga? Nung minsang nag-Baguio sila ni Meng, ang sabi ni Meng, pinagluto daw sya ni Ti...ni Rj ng steak..."

"Ti?"

"Ah eh...pinangalanan kasi ng Tatay ni Meng si Rj na "Tisoy" kasi mestiso...maputi..."

"Ah...oo maputi nga sya..nakuha ata sa akin..." Mama smiled. "...nagluto sya ng steak?"

"Sabi ni Meng...tinuruan pa ata sya tungkol sa mga wine..."

"Ah talaga...di ko talaga alam kung anong nangyayari sa kanya...alam ko lang na medyo pihikan sa pagkain..."

"...hindi rin..."

"Paano mo nasabi?"

"...mahilig sya kumain ng lunch sa stall namin...halos lahat ata ng putahe na serve namin, natikman nya na...ang ayaw nya lang na ulam e menudo...lalo na yung atay..."

"Ah talaga?"

"Oo...paborito nya yung sinigang na maasim na maasim...at natuto rin syang magsawsaw ng patis at toyo-mansi..."

"Oh...nung lumalaki yan, ayaw na ayaw ni Mama na i-expose yang si Rj sa pagka-Pilipino nya...ang isip ni Mama, yun ang solusyon para makaiwas sa kahit anong trauma na baka naranasan ni Rj nung bago kami umalis..."

feast (completed)Where stories live. Discover now