5. al dente

1.5K 164 6
                                    

"Magandang tanghali po 'Tay" Menggay greets Tatay Teddy.

"Kaawaan ka ng Diyos. Bakit andito ka? Hindi ka ba pumasok? Anong nararamdaman mo?" Tatay greets Menggay and feels her neck and forehead, his eyebrows furrowed in concern.

"Wala po. Okay po ako. Magbihis na muna kayo at i-r-ready ko na po yung tanghalian natin."

"Ah sige. Nakakapagod." Tatay says as he changes his clothes.

"Saan po kayo galing?"

"Inarkila kasi ni Mrs. Ong yung jeep natin. Nagpadeliver ng gulay at mga isda sa Laguna."

"Ah, malayo nga. Kamusta naman po ang traffic."

"Yung papasok ng Maynila nung umaga, mabigat. Abot hanggang malapit na sa may Binan exit yung pila ng mga sasakyan. Buti nalang wala na masyadong bus at truck nung medyo tanghali na."

"Ah. Kaya kayo nakabalik agad."

"Oo. Di na rin ako magpapasada ngayon. Nakakapagod e."

"Opo Tay. Pahinga nalang kayo muna ngayong araw."

"Eh ikaw. Bakit hindi ka pumasok?"

"Uhm..kasi po..."

"Masama ba pakiramdam mo? Andyan na naman ba yang dino mo?"

"Ah wala po. May dinner po sana ako mamaya."

"Dinner? Aalis ka? Sinong ka-dinner mo?"

"Si Richard po"

"Richard?"

"Yung kinuwento ko pong nagttrabaho dun sa building namin..."

"Ah yung si Tisoy?" Tatay thinks then remembers.

"Opo. Sya po."

"Aba! Nanliligaw na ba?"

"Pati ba naman kayo?"

"Anak! Maganda ka naman. Matalino."

"...medyo hirap lang mag-English..."

"Okay lang yun. Kung gusto ka nya, di dapat maging hadlang yun."

"...hindi po sya nanliligaw...kakakilala pa lang namin sa isa't isa..."

"Ahh."

"...sa cafeteria nya ako susunduin ng ala-sais..."

"Hmm...ganito, ako na maghahatid sa yo papuntang cafeteria. "

"Po?"

"Ngayon ka pa lang naimbitahan sa ganitong pa-dinner, diba?"

"Opo"

"Alangan naman hahayaan kong mukhang basang sisiw ka pagkita nyo ni Tisoy mamaya. Gusto ko rin makita tong Tisoy na sinasabi nyo..."

"Hmm...matangkad, maputi, may dimple. Tay, mukhang mayaman pero down to earth at mabait."

"Eh di okay. Down to earth?"

Menggay tells the story about Richard's wish to eat tuyo and his 'adventure' in eating with his hands.

"Ahh..."

"...mukhang seryoso syang kumain ng tuyo e. Nagtanong ulit nung isang araw kung may tuyo kami sa menu"

"Meron nga ba?"

"Wala po. Kahit na may champorado, madalas espada o kaya danggit o dilis ang sinasabay namin."

"Eh halos pareho na yun sa tuyo..."

feast (completed)Where stories live. Discover now