6. season

1.6K 154 9
                                    


"Kamusta naman yung dinner nyo kagabi?" Yaya Gloria asked Jessie at breakfast the following day.

"Mukhang tinamaan na."

"Oo. Sabi nya pretty daw si Ma'am Menggay"

"Talaga?"

"Mukha ngang may balak samahan sa palengke..."

"Palengke?"

"Bibili daw ng tuyo"

"Hahaha! Ayaw talaga tigilan yung tuyo ano?"

"Oo. Sabi nga ni Ma'am, bibilhan nalang nya si Sir nung tuyo sa bote..."

"Yung gourmet tuyo?"

"Oo, yun."

"Eh anong sabi nung isa?"

"Ayaw daw. Sasamahan daw nya sa palengke" Jessie shared. He was amused at how Richard was decided on going to the palengke just to buy tuyo.



"Saan kayo kumain kagabi?" Nanay asked when she saw Menggay come out of the bedroom the following morning.

"Nag-Italian restaurant kami."

"Italian?"

"Opo. Pasta saka yung parang pochero pero puro karne lang. Nag-salad din kami na cheese at kamatis lang na may olive oil saka asin"

"Sosyal na kamatis" Dino quipped. He was at the breakfast table dipping his bread in the yolk of his fried egg.

"Parang ganun. Pero masarap. Simple lang pero masarap. Yung pasta, hindi tulad nung spaghetti na kilala natin."

"Ows?" Nanay looked up from her coffee cup.

"Opo. Hindi sya pula. May kasamang mga halaan...yung mallit na shell...tapos, sabi ni Richard, niluto daw sa wine at olive oil yun."

"Malansa?"

"Hindi naman. Masarap. Naiiba. Tapos nag-wine pa kami"

"Nalasing ka?" Tatay asked.

"Hindi po. Medyo uminit lang yung pakiramdam ko pero okay naman. Medyo mapait yung wine e. Pero okay lang. Sabi ni Richard, madaming mga tao na yun ang iniinom kasabay ng kinakain nila. May nabasa nga ako na depende pa yung wine sa kinakain mo"

"Huh?"

"Hmm. Yung white wine, para yun sa mga isda, seafood. Yung red wine, mas match sa karne"

"Wow!" Dino listened in amazement.

"....sabi nya, gusto daw nya pumunta ng palengke..."

"Palengke?" Nanay looked at Menggay who was now seated in front of her, eating bread and egg.

"Sabi ko kasi bibigyan ko nalang sya ng gourmet tuyo, ayaw. Gusto daw nya yung totoong isda."

"Di kaya magkasakit sa palengke yun?" Tatay said.

"Yun nga po e. Sabi ko madumi at mabaho sa palengke. Malansa. Kaso gusto nya daw talaga"

"Hmm...punta nalang kayo sa gilid. Dun lang sa may bentahan nung mga itlog. Di masyadong basa dun..." Nanay said resigned to the idea of Richard insisting going to the palengke.

"Naisip ko din po yun. Dino, samahan mo ako mamaya."

"Ako? Bakit?"

"Samahan mo ako sa palengke para makita natin kung saan ko sya pwedeng dalhin dun na di masyadong maamoy o basa..."

feast (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon