SI ORANGE: Chapter 19

1.5K 40 33
                                    

"MAY nose to nose ka pang nalalaman diyan," tudyo ni Anastacia kay Carlo nang maisara ang pinto ng silid. Bahagya niya itong inirapan. Napangiti naman si Carlo habang napapailing.

"Would you rather want to be kissed or—?"

"Okay na, okay na!" agap niyang sabi. "Sabi ko nga, nose to nose na lang! Wala pa akong alam sa mga ganoon, hello!"

Sumeryoso ang anyo ni Carlo sa sinabi niya. "Really..." mahina nitong sabi na ikinakunot ng kanyang noo.

"O, bakit ganyan ka kung makatingin?"

Nagkibit muna ito ng balikat bago sumagot. "Para kasing hindi ako makapaniwala...I mean, you already have a boyfriend, 'di ba?"

She bit her lower lip. Sa isip ay naitanong kung bakit kailangang panindigan ang pagsisinungaling niya tungkol kay Clifford.

"And I'm sure you're aware of your boyfriend's reputation when it comes to—you know."

"Puro ka talaga simula kahit kailan, alam mo 'yon? Hindi mo matapus-tapos ang lahat ng sinasabi mo."

"Forget it," anito saka umabot ng isang unan at dumapa sa ibabaw ng malambot na kama. Hindi nito alintanang nakasuot pa ang mga rubber shoes nito.

"Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko, Carlo?"

"I said forget it," bulong nitong halos hindi na niya narinig. Ibinaon nito ang mukha sa unan.

"Big deal iyon sa akin. Try mo namang itanong. Hoy, ano ba!"

Nakangiti siyang nilingon ng lalaki. Umangat ang kamay nito at dumuro sa gawi niya. "Ikaw, puro ka ganyan, Baby Girl. Just change the topic, okay."

"Carlo!"

"I'm tired, Tasha. Magpahinga na muna tayo, okay."

Pero sa halip na makinig ay naupo siya sa gawing paanan nito, dinukwang niya ang isang unan at saka ipinalo sa likuran nito. Natawa ito sa ginawa niya at saka bumangon. Tumabi ito sa kanya at bahagya na lang siyang nabigla nang pisilin nito ang ilong niya.

"Ang kulit mo, alam mo iyon?" sabi nito pero ang facial expression ng kumag ay mukha namang hindi nakukulitan. Kung titingnan ay mukhang naaaliw pa nga ito sa kanya.

"Hindi ka ba talaga naniniwala?" pangungulit naman niya.

This time ay ginusot naman nito ang buhok niya. Bahagya siyang nainis sa ginawa nito. Ano ba'ng akala nito sa kanya? Batang paslit?

"Hayan ka na naman eh. Mamaya 'yang nguso mo naman ang pahawakan mo sa akin. Naku, sinasabi ko sa'yo, Anastacia."

"Bakit?!"

"Pagsisisihan mo na talaga 'pag inulit mo iyon. One time lang pwedeng subukan ang pasensiya ni Carlo Eruel dela Peña. I'm warning you." Yumugyog ang balikat nito sanhi ng pagtawa habang kunwa'y napasimangot naman siya.

Nang makarinig ng katok sa pinto ay saka lang nila naalalang kasunod nga pala nila sina Erwin at Allan. Natutop niya ang bibig dahil doon.

"Pakilagay na lang diyan sa labas ang mga gamit! Salamat!" malakas namang sabi ni Carlo na nakatingin sa direksiyon ng pinto. Pagkuwa'y inabot nito ang kamay niya at saka siya iginiyang dumapa sa kama. Masusi nilang pinag-usapan ang mga planong inilatag nito.

MALALAKI ang mga hakbang ni Marsha habang papalayo sa umpukan ng mga babaeng nag-uusap-usap. Dinig na dinig niya, alam na ng mga ito ang totoong relasyon niya kay Anastacia. Alam niyang si Hanna ang may kagagawan niyon kaya lagot sa kanya ang kapatid niya pag-uwi ng bahay.

SI ORANGE (The Pinay Cinderella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon