SI ORANGE: Chapter 13

3.6K 27 7
                                    

"ANONG oras ba darating ang parents mo?" Pabalik-balik sa paglalakad sa kabuuan ng sala ni Carlo si Orange, animo hinahabol ng kung ano.

"Hindi ko alam, ang sabi ni Allan ay narito na sila kanina..."

"Baka naman niloloko ka lang ng Allan na iyan?"

"Hindi niya iyon gagawin, Tasha—"

"Eh nasaan na nga kasi sila?" kabado pa rin niyang tanong. Huminto siya at humalukipkip sa harap ni Carlo.

"Let's wait for them. Baka naman—"

"Carlo!"

Magkapanabay silang lumingon ni Carlo sa pinto at marahil ay nawalan ng kulay ang kanyang mukha nang unang sa pagkakataon ay makaharap niya sina Mr. and Mrs. dela Peña.

"Ma!" bulalas ni Carlo. Tila napipilitan itong humakbang palapit sa mga bagong dating.

"Nakausap na namin ang kasera mo kanina," tugon ng ina nito at saka hinagkan sa pisngi ang anak. "Lumabas lang kami saglit para mamili ng ilang groceries. Aba'y wala man lang akong mailuto sa kusina mo, ang ref naman ay puro tubig yata ang laman!" Luminga ito sa likuran at noon sumungaw ang isang lalaking unipormado. "Ipasok mo sa loob ang mga 'yan, Allan."

Bahagya siyang nagulat. Hindi yata at ang Allan na tinutukoy kanina ni Carlo ay isang—family driver???

Lalo na siyang nagulat nang isa-isa nitong ipasok ang mga supot na pinamili ng mama ni Carlo. Kung bibilangin ay tiyak na hindi iyon bababa sa sampu.

"Mama, ano ba 'yan? Hindi ba at sinabi ko na sa inyo na hindi ko kailangan ang mga 'yan—"

"Ito ba ang pinagmamalaki mong buhay, Carlo? Ito ba ang simpleng buhay na sinasabi mo? Ang kahit toothpaste ay tinitipid sa araw-araw?"

Noon siya napatingin sa papa ni Carlo na nasa isang panig ng masikip na sala. May hawak itong maliit na animo stick na nang hithitin nito ay saka lang niya napagtantong tabako.

"Papa, can you please stop talking that way? Hindi ko sinabi sa inyong dalawin niyo 'ko rito. Hindi ko rin pinaalam ang kinaroroonan ko sa inyo dahil ayokong magambala kayo sa inyong kanya-kanyang mga ginagawa..."

"My goodness, hijo, what are you talking about? Itinuturing mo bang abala ang pag-aasikaso namin sa iyo ng papa mo?"

"It's not that, Mama. Ang sa akin lang naman—well, never mind!" Sumulyap ito sa kanya at saka nito inilahad ang isang kamay. "Come here, sweetheart..."

Kahit nag-aalangan ay inabot niya ang kamay ni Carlo. Lumapit siya rito at hinayaan niyang akbayan siya nito.

"Ma, this is my wife, Anastacia...sweetheart, my parents..."

Bahagya siyang nakayuko kaya nagulat pa siya nang sa pag-angat niya ng ulo ay masalubong niya ang nanlalaking mga mata ng ina ni Carlo. "Hello po...nice meeting you, Ma'am...Sir," aniya habang hindi halos makatingin sa mga magulang ng katabi.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo, anak? Ang akala ko pa naman ay nagbibiro si Allan..." Halos maiyak-iyak ang mama ni Carlo.

"Sinabi ko na sa'yo, Mama! Kung bakit kasi hindi ka naniwala sa akin!" anang papa naman nito.

"Ma, Pa...hindi ko gagawing biro ang ganyang bagay. Totoo po ang sinabi ni Allan sa inyo na nag-asawa na ako at si Anastacia nga iyon. You can cell her Orange or Tasha if you want."

"Ah, Tasha na lang po, Mama...Papa," alanganin niyang sabi. Pakiwari niya ay napakalaking pagkakamali ng nasabi niya dahil lalong nanlaki ang mga mata ni Mrs. dele Peña.

"Hijo, what are you trying to prove?" Kung pakikinggan ang tinig nito ay tila ito umiiyak ngunit wala naman ito kahit isang patak na luha sa pisngi. "Noong una ay mas pinili mong kumuha ng Fine Arts kaysa Business Management na siyang gusto namin ng papa mo para sa'yo, ngayon naman ay...oh my God, hindi ko ito kaya, Papa..." Bumaling ito sa asawa at humilig sa braso nito. Ang asawa naman ay agad na umakbay at umalalay rito.

SI ORANGE (The Pinay Cinderella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon