SI ORANGE: Chapter 3

1.7K 42 7
                                    

NAGBALIK sa kasalukuyan ang isip ni Orange nang maramdaman niya ang pagsiko ng katabi.

"Haler! Okay ka lang, bff! Mukhang naglimayon na naman ang isip mo."

Napalingon si Orange sa kaibigan. Sa ayos nito ay mukha ngang kanina pa siya nito kinakausap.

"Narinig mo ba ang sinabi ko? Si Carlo kako, hayun sa kabilang panig ng building at dito nakatingin. I'm sure, gusto kang lapitan niyan."

"Tumahimik ka nga! Bakit naman ako lalapitan niyan?" tanong niya. Gayunman ay madaling nangatog ang kanyang mga tuhod. Nakita niya kasing tama ang sinasabi ni Chikki, papalapit nga si Carlo. Madali siyang humakbang palayo habang hatak sa isang kamay ang kaibigan. Hindi nagtagal ay narinig niya ang tawag nito.

"Hoy, ano'ng nangyayari sa'yo? Bakit kailangan mong iwasan si Carlo?"

"Basta bilisan mo, ano ka ba! Kailangan nating layuan ang lalaking iyan dahil may balat iyan!"

"What?" eksaheradong bulalas ni Chikki. "May balat si Carlo kaya kailangan natin siyang iwasan? Ano naman ang connect?"

"May balat siya! Meaning, capital M - A - L - A - S! Malas siya sa atin dahil tiyak na maya-maya lang ay madadala na naman ako sa Guidance Office!"

"Wala ka namang ginagawang masama ah! Cool ka lang...teka nga!" Kumawala si Chikki sa pagkakahawak niya at saka nilinga si Carlo. Hindi nagtagal ay nakahabol ito. Humihingal pa ang lalaki nang ganap na makalapit.

"Are you trying to avoid me, Anastacia?" tanong nito habang habol ang hininga.

"Obvious ba? Ayoko ng gulo, Carlo. Alam mo namang hindi tayo puwedeng makita ng mga bruha na magkasama, hindi ba?"

"Bru-what?" Saglit itong nag-isip at saka unti-unting natawa. "You call your sisters that way?"

"Hindi ko sila totoong mga kapatid!"

"Tama, step sis lang sila!" echo ni Chikki na nakapameywang pa at tila susugod sa laban.

"Teka nga, ano ba ang paki mo kung ano man ang itawag ko sa kanila? Kung concern ka, puntahan mo sa canteen si Hanna dahil break niyon ngayon. Hindi ko alam kung nasaan si Marsha but I'm sure, matutuwa siyang makita ka." Humakbang ulit siya palayo pero maagap nitong nahagip ang kanyang braso.

"Sandali lang. Wala naman akong masamang pakay sa paglapit sa inyo. Hindi naman siguro mamasamain ng mga step sisters mo kung sakaling-"

"Hindi mamasamain?" sabad ni Chikki, "hindi mo ba alam na kinapos ang band aid sa tindahan malapit sa bahay ni Orange nang araw na pinagtulung-tulungan siya ng tatlong bruha? Ganoon karami ang naging pasa at sugat niya!"

Napalinga sa kanya si Carlo. Tila nagtatanong ang anyo nito habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Tumango siya bilang pakikiayon sa sinasabi ng kaibigan.

"Bakit ka pumapayag nang ganoon? Wala silang karapatang gawin iyon sa'yo, Anastacia."

Sympathy crossed his eyes. Kabaliwang maituturing pero hindi niya maintindihan ang sarili sa mga sandaling iyon. She felt her knees were shaking. "Wala akong magagawa dahil iyon ang trip nila. Kailangan kong sumunod. Kung ayaw ko sa palakad nila, magtitiis akong umalis."

"Umalis ka na lang kasi!" Si Chikki.

"No! Bakit mo iyon gagawin?" agap naman ni Carlo.

Nagkatinginan silang magkaibigan. Pagkuwa'y napailing siya.

"Hindi mo kasi alam, Carlo. Sobrang habang kuwento."

"I'm willing to listen."

Kunwa'y naiiritang tinitigan niya ito sa mga mata. "It will take me five days to tell the whole story-"

SI ORANGE (The Pinay Cinderella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon