SI ORANGE: Chapter 6

1.4K 31 22
                                    

"TAWAGIN mo na ang kapatid mo, Hanna. Daanan mo na rin sa silid niya si Anastacia at kakain na tayo."

Nagkatitigan ang mag-ina at agad na isinenyas ni Rosa sa anak ang asawang nasa sala at nagbabasa ng diyaryo.

"Ah...opo, opo..." Mabilis itong sumunod pero lihim namang bumubulong sa sarili. Maya-maya lang ay bumababa na ito kasama ang kapatid.

"Maupo na at kakain na tayo. O, nasaan na si Ang-Anastacia? Akala ko ba ay tatawagin mo?" Bumaling ito kay Hanna habang ang huli ay napakibit lang ng balikat.

"She's not in her room," pakli nito.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Wala? Paanong wala ay napakaaga pa naman."

"Hindi ko rin alam, Tito. Baka naman..."

"Baka naman may group practice na naman sila kaya maaga siya!" putol ni Marsha sa sinasabi ni Hanna. Nagkatinginan ang magkapatid.

"Bakit hindi siya nagpaalam kung ganoon?"

"Ano ka ba naman, Romy. Talagang ganyan ang mga nasa kolehiyo na. Dalaga na ang anak mo kaya pabayaan mo na siya."

"Pero baka kung napaano na ang batang iyon."

"Ay, hindi, Tito! Kagabi ay bumaba pa siya at kinumusta ko pa nga. Ayos lang daw siya pero iyon nga, medyo busy daw. Hindi na ako nagtanong kahit gustong-gusto ko pa siyang kausapin."

"Ganoon ba?" Kumibot ang mga labi nito na tila may ibig sabihin pero wala naman itong sinabi kahit ano.

"Don't worry about her, Tito. I'm sure uuwi rin iyon mamaya."

Napatango ito, pagkuwa'y nagsimula nang kumain.

"TALAGA? Ang sweet naman ni Carlo!" kinikilig na sabi ni Chikki.

Agad na sinaway ni Orange si Chikki. "Huwag kang maingay at baka may makarinig sa'yo!"

"Hindi ko mapigil, friend eh. Imagine, nakaluto na siya ng almusal nang magising ka?"

"Oo. At hindi lang iyon, friend, may tatlong tangkay pa ng rosas sa hapagkainan nang dumulog ako. Napaka-sweet niya talagang tao."

"Oo nga! I'm sure, hindi ka magsisisi sa naging desisyon mong sumama sa kanya."

"Oo naman!"

"Teka, ano ang suot niya kapag natutulog? Boxers ba? Pajamas? O wala?"

Kinutusan niya nang mahina ang kaibigan.

"Ito naman, joke lang! Nagbibiro lang ako!"

"Siyempre, sa amin nang dalawa iyon 'no!"

Kinilig na naman ito. "Eh, may ano...may nangyari na ba sa inyo kagabi?"

"Ha?" Daig pa niya ang namatanda sa tanong na iyon.

"OA naman ng reaction mo! Itinatanong ko lang kung may namagitan na sa inyo. Natural ay expected na iyon dahil nag-asawa ka na, 'di ba."

"Bff, alam mo namang hindi totoo iyon at palabas lang. Ano ka ba?"

"Ganoon? Pumayag naman ba si Carlo nang ganoon?"

"Oo. Alam naman niya simula pa ang stand ko."

"Sa bagay. I'm sure, sa wakas ay magigising na rin ang tatay mo sa gayuma ng Rosang iyan!"

Bigla siyang natahimik sa puntong iyon.

"O bakit nagmo-moment ka?"

"Iniisip ko lang friend...hinahanap nga kaya ako ni Tatay? Ano kaya ang situwasyon ngayon sa bahay namin?"

SI ORANGE (The Pinay Cinderella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon