SI ORANGE: Chapter 14

1.6K 37 4
                                    

"KAILAN kayo nagkakilala ng anak ko?" masungit na tanong ni Mrs. dela Peña kay Anastacia sa harap ng almusal kinabukasan. Hindi ito pumayag na siya ang maghanda niyon at sa halip ay ipinilit nitong iluto ang ilan sa mga napamili nito.

"Ehermm... 'Ma, kumusta naman ang org mo? How's it doing?" salo ni Carlo matapos tumikhim.

"It's doing good, hijo..." Ngumiti ito sa anak at pagkuwa'y muling bumaling sa kanya. "Nag-aaral ka ba?"

Tumango siya. "Opo."

"At sa unibersidad na pinapasukan ng anak ko?"

Muli siyang tumango.

"So, doon kayo nagkakilala?"

"Opo. Tumatakbo po ako noon dahil-"

"Nakita ko siya sa library habang nagbabasa ng libro, Ma."

Mabilis siyang napalingon sa sumabad na si Carlo.

"Really-"

"Yes, Mama...nagandahan ako sa kanya kaya...kaya nakipagkilala ako."

"That's sweet," ani Mr. dela Peña.

Tumango na lang siya para sang-ayunan ang kasinungalingang sinabi ni Carlo. Sa isip ay itinatak niyang sisitahin niya ito oras na magkasarilinan sila mamaya.

"Ilang taon ka na?" muling tanong ng ginang. Doon siya pinagpawisan at animo umurong ang dila sa labis na kaba.

"Ah eh...ano na po-"

"Eighteen, Ma. Nag-eighteen siya last month," agaw ni Carlo sa dapat ay sasabihin niya.

Nang lingunin ito ng ina ay tila may warning signal sa mga mata nito. "Gaano katagal ka naman niyang niligawan?"

"Ah, 'Ma-"

"Carlo Eruel! Can you please let your wife talk? Is she mute or something?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi dala ng pagkasindak sa pagtaas ng boses ng ginang. Pinilit niyang kalmahin ang sarili sa pamamagitan ng isang pasimpleng paghugot ng malalim na paghinga.

"Three days po yata, Mama," pagsisinungaling niya.

"Tatlong araw, que barbaridad!" bulalas naman ng ginang sa tonong sindak na sindak.

"Ah, four po pala..." Saglit siyang kunwa ay napaisip. "No, I think it's six or seven...opo, tama!"

"Papa, ilang buwan mo akong niligawan noon?" tila naeeskandalong baling nito sa asawa.

"Hindi buwan, Mama...taon...dalawang taon..."

"See that?" Nanlalaking mabuti ang mga mata nito. "Dalawang taon! Paanong sa loob lamang ng ilang araw na hindi mo pa halos matandaan ay napasagot ka ng aking anak?"

"Ah, eh...Mama, nagagalit po ba kayo na...sinagot ko agad si Carlo...o nagagalit kayong ako ang babaeng pinili niyang ligawan?"

Naramdaman niya ang pagdantay ng kaliwang kamay ni Carlo sa ibabaw ng kanyang hita. Nang sulyapan niya ito ay nakita niya ang pagsaway roon. Nang ibalik niya ang tingin kay Mrs. dela Peña ay salubong na ang kilay nito.

"Ikaw siguro ang nagsusulsol sa anak kong kumuha ng Fine Arts kaysa-"

"Mama! That's impossible dahil nang makilala ko si Tasha ay enrolled na 'ko. Huwag niyo naman siyang sisihin dito."

"Pero lumakas ang loob mong ipagpatuloy ang kalokohan mo dahil sa kanya, hindi ba?"

"That's not true, 'Ma!"

"Kita mo na! At nagagawa mo na akong pagtaasan ng boses ngayon! Papa, ano ba'ng nangyayari sa anak natin?"

Ngumuyngoy ang ginang nang bumaling sa kabiyak pero wala na naman itong luha. Pigil ni Anastacia ang sarili sa pag-ismid.

SI ORANGE (The Pinay Cinderella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon