SI ORANGE (Teaser)

5.8K 163 42
                                    

Si Orange, isang taong sasalamin sa lahat ng pag-uugali ng isang babae. Isang taong maihahalintulad sa isang punong hitik sa karanasan sa buhay. Kaakit-akit ang anyo, mabait, magalang, masunuring anak...pero sa kabila ng mala-anghel nitong mukha ay isang masamang kaaway, palaban at hindi sumusuko sa ano mang hamon sa buhay.

Tunghayan natin at alamin ang kuwento ni Anastacia na nagsimula sa panahong siya ay inosente pa hanggang ang mga pagsubok ay dumating -- kabiguan sa pamilya, sakit ng loob, pagtitiis at maging pagkasawi sa pag-ibig---lahat iyan ay dadaanan ng ating bida pero hindi siya bumitiw kahit minsan.

Ikaw, naranasan mo na ba ang mabigo? Naranasan mo na ba ang magmahal at umasa na mamahalin rin? E ang masaktan, dinanas mo na rin ba? Kung oo, may kakampi ka dahil narito si Anastacia, sa kabila ng lahat ay nanatiling nakatayo at taas-noo sa kanyang pakikibaka sa hamon ng buhay. Dahil iyan ang kahulugan ng pagiging isang tunay na babae ng kahit ano pa mang henerasyon.

HOW DO YOU FIND MY POST?

If you find this post awesome, please VOTE. If you think this is a story that is worth sharing, please LIKE or TWEET. You may do both if you like anyway and hey, I'll appreciate any comment from you, dear reader. Hope to see you again in the following chapters of this story.

Love,

Amor Filia

SI ORANGE (The Pinay Cinderella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon