21_Her Accident

3.5K 51 8
                                    

“Alex, wake up, please.”

“Alex, pangako, magpipigil na kami ni Zed. Basta gumising ka lang.”

 “Alex, I’m really sorry. I’ll never forgive myself if you die.”

“I love you. Wake up, insan.”

“Babe, I’ll be waiting for you.”

“Alex, be strong. I have something important to tell you when you wake up.”

“Alex, I’m sorry for everything. I promise that I’ll be a good sister to you.”

**********

(A/N: Arianne’s POV)

It’s been two days since the accident happened. Hindi pa rin nagigising si Alex. Nandito kami ngayon sa isang private hospital malapit sa resort.

Sinadya pa talaga ni Casey, Sander, Ate Alexis at ang boyfriend nito na si Dylan ang pagdalaw kay Alex. Wala ang mga magulang ni Alex dahil nasa ibang bansa daw ito sabi ni Ate Alexis para sa isang business venture. I hope what she said is true.

Everyone’s been waiting for her to wake up. Naaalala ko pa kung anong itsura ni Errol noon humihingi siya ng tulong sa amin.

*Flashback*

“Alex!”

“Alex! Tulong! Tulong!” Kagagaling ko sa restroom ng marinig ko ang sigaw ni Errol. Sinuka ko kasi lahat ng kinain at ininom ko. Sobrang sakit din ng ulo ko. Kinabahan ako kaagad  sa pagsigaw ni Errol at dali-daling tumakbo kung saan nanggagaling ang sigaw. Palabas na ako ng pinto nang sumigaw ako.

“Errol, bakit?! Oh my God! Alex! Dalhin natin siya sa ospital!”

Ang naabutan ko? Hawak-hawak ni Errol si Alex sa kanyang mga bisig at pilit na pinapatigil ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ni Alex.

I froze for a moment upon seeing an unconscious Alex. Tears started to flow down at my eyes when Errol snapped at me.

“Arianne! Call an ambulance! Dalian mo!” pagkasabi noon ni Errol ay naghanap ako ng tauhan sa villa para makatulong sa amin. Buti na lang at naabutan ko ang isang janitor dito na gising pa at mukhang patulog na. Agad naman niyang kinontak ang pinakamalapit na ospital dito at wala pang limang minuto ay nakarating na sila dito at isinakay na si Alex.

“Errol, I’ll go with you.” Sambit ko dito nang nilalagay na si Alex sa ambulance.

“No, you stay here. Baka magtaka sila kung bakit wala tayo dito. Ikaw na ang bahala mag-explain sa kanila kapag nagising sila.” Tama si Errol. Pumayag naman ako sa kanya at nagpaiwan sa resort.

Katulad ng sinabi niya, hinintay ko silang magising. Nauna na akong maligo dahil hindi ako makatulog kakaisip kay Alex. Bakit nahulog si Alex? Ano kayang nangyari sa kanila ni Errol at humantong sa ganon?

Nakaupo lang ako sa sofa habang hinihintay silang magising. Unang nagising sila Zed at Mai.

“Oh, Arianne. Bakit namumugto ang mga mata mo?” tanong ni Mai. Yes, buong gabi akong hindi natulog at umiyak lang ng umiyak.

“S-Si A-Alex…” nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko.

“Anong nangyari kay Alex?!” sigaw ni Mai at bumakas sa mukha niya ang pag-aalala at kaba. Ganoon din si Zed.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon