29_First Date

3.3K 45 17
                                    

“Lei!” sigaw ko nang makita si Lei sa lobby ng building at sinalubong ko siya ng isang yakap.

“Kung hindi lang kita mahal, Alex, hindi ko gagawin ‘to.” Aniya.

“Kaya nga mahal na mahal kita eh. Labs mo kasi ako. Alam kong hindi mo ako matitiis. Hahaha!”

“Cass!” tinapik niya si Casey sa balikat nang dumating ito.

“Salamat.” Turan nito kay Lei. Buti na lang talaga at napapayag namin ‘tong si Lei. Sapilitan pa nga eh. Paano ba naman, gagawin namin siyang chaperone ni Casey para sa date namin.

“Ano? Tara na? Saan niyo ba balak pumunta?” Tumingin ako kay Casey. Saan nga ba kami pupunta? Hindi pala kami pwede mag-PDA. Nilinaw ko naman sa kanya na pwede na ang K-T in private. Kissing and touching lang. Bawal pa din ang sex kahit private. Problema ang idudulot sa amin noon kapag ginawa namin ‘yon.

“Sa mall.” Ano ba yan! Sa mall lang pala kami pupunta.

“Ok.” Sambit ni Lei. Kumapit ako sa braso ni Lei at ni Casey. Wooshoo, Alex. Gusto mo lang maka-tsansing kay Casey. Che! Tumigil kayo. Pake niyo ba? Hahaha!

Gamit namin ang sasakyan ko papunta ng mall. Si Casey ang nagdrive at si Lei naman ang nasa passenger seat at ako, ano pa ba, nasa backseat. Para akong prinsesa na may kasamang bodyguards. Hahaha!

“Pinsan, ano na ba ang balita sa inyo? Kayo na ba talaga?” tanong ni Lei kay Casey. Teka, kami na nga ba talaga? Wala naman akong matandaan na sinagot ko siya. Ni hindi nga niya ako tinanong ng famous line na “Could you be my girlfriend?”.

“Oo. Kami na.” sagot nito. Syempre, nagprotesta ako.

“No. Hindi pa kami. Hindi pa nga niya ako tinatanong kung payag ako.”

“Hahahaha! Ang gulo niyo pareho.”

“Che! Hmp.” Inirapan ko na lang si Lei. Napapaisip tuloy ako. Kakayanin kaya namin itago ang relasyon namin? Hanggang kailan namin matatago ‘to? Anong mangyayari sa amin kapag nahuli kami? Hindi pa namin napag-usapan ang tungkol doon. Tama, mamaya, mag-uusap kami.

“Ikaw naman kasi, pinsan. Bakit hindi mo pa tinanong ‘tong si Alex.”

“Kailangan pa ba noon? Malinaw na naman sa amin na mahal namin ang isa’t isa.” Oo nga, malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw.

“Oo nga naman, Alex. Malinaw na pala lahat, bakit kailangan pa niyang itanong sa’yo ‘yon?”

“Wala lang. Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ako sa buhay niya.” Iyon naman talaga ang dahilan ko. Para kapag may nang-akit sa kanya, alam ko kung saan ako lulugar. Pero ang hirap pa rin. Hindi naman ako pwedeng sugod lang ng sugod sa mga babae na aakitin siya. Lalo na’t alam ng mga staff niya sa bar na pinsan niya ako.

“Ahhh. Ano nga ba, Casey?” Minsan talaga, balimbing ‘tong si Lei, pero alam kong sa akin ‘yan kakampi. Hehe.

“Ang babaeng mahal ko.”

Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse. Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Casey sa rearview mirror. Napangiti ako sa sinabi niya. Ahm, ano… Kinikilig kasi ako! Hahaha! Si Lei naman ay nagpalipat-lipat ng tingin sa amin at iniling-iling na lang niya ang ulo niya. Kinikilig din ‘yan!

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon