Lab U, Insan! (Book I)

spinner.gif

 

PROLOGUE:

 

“Alex! Saan ka na naman galing bata ka?!” sigaw ng Mom ko mula sa taas ng hagdanan habang nakapa-meyang ito.

“Dyan lang, sa tabi-tabi.” Walang ganang sagot ko dito habang paakyat ng hagdan.

Araw-araw, ganito ang eksena namin sa bahay kapag umuuwi ako ng late.

May curfew kasi ako.

Dapat ay saktong 8 PM ay nasa bahay na ako pero hindi ko sinusunod iyon.

Madalas ay inaabot pa ako ng 10 PM sa labas.

Bago pa ako makalagpas sa kanya ay sinigawan ulit ako nito.

Napansin kong sumilip si Ate Alexis sa pinto para tingnan kung ano ang nangyayari.

“Baka naman may ginawa kang kalokohan kaya gabi ka na umuwi! Bakit hindi mo gayahin ang Ate Alexis mo?!” singhal ni Mom sa akin.

Puro na lang si Ate Alexis ang bukambibig ni Mom.

 

Si Ate Alexis, mabait

Ako, rebelde.

 

Si Ate Alexis, matalino.

Ako, average lang.

 

Si Ate Alexis, laging sinusunod sila Mom.

Ako, pasaway.

 

Si Ate Alexis...

 

Puro na lang si Ate Alexis.

Nakakasawa na.

Nakakarindi na.

Kaya nga, madalas ay wala ako sa bahay at gabi na umuuwi para hindi ko na marinig ang mga pagkokompara nila sa akin at kay Ate.

Saan ako tumatambay?

Sa bahay ng pinsan ko.

Sa bahay nila Casey.

Tatlong kanto lang ang layo ng bahay nila sa bahay namin.

Kapag nandoon ako, masaya ako.

Kwentuhan, asaran at kulitan to the max kami ng pinsan ko na iyon.

Tinutulungan pa niya ako sa assignments at projects ko dahil malapit na kaming grumaduate ng highschool.

“Mom, nasa bahay lang po ako nila Casey. Nagpatulong ako sa mga projects ko.” ani ko.

“Bakit hindi ka magpatulong sa Ate mo? E kayang-kaya din naman iyan ng Ate mo.” Tumaas ang isang kilay ni Mom pagkasabi niya noon. Naghihintay ito ng sagot mula sa akin.

“Mom, 2nd year college na si Ate. Mas mahirap ang inaaral at requirements niya. Ayoko ko na siyang istorbohin.” Kumalma naman ang itsura ni Mom nang marinig ang paliwanag ko.

“Ocia, Sige. Matulog ka na!” utos nito at saka bumalik sa kwarto nila Dad.

Si Ate Alexis naman ay nakatingin pa rin sa akin.

Nakita kong inirapan ako nito saka sinara ang pinto ng kwarto niya.

Napabuntong-hininga ako at dumiretso sa kwarto ko na katapat lang ng kwarto ni Ate Alexis.

Sumalampak ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko sa bag ko.

Tiningnan ko ang picture namin ni Casey kanina.

Habang binobrowse ko ang cellphone ko ay biglang nag-text si Casey.


From: Insan Casey

Insan, pinagalitan ka na naman no? Matulog ka na!

 

To: Insan Casey

Ganon na nga. Sige, insan. Matutulog na ako! Thank you kanina. Lab u, Insan!

 

From: Insan Casey

Ewww. Huwag ka nga. May pa-lab u, lab u ka pang nalalaman! Sige na, good night!

 

To: Insan Casey

Hahahahaha! Arte mo! Good night and sweet dreams! :)

 

Hindi ko na hinintay ang reply ni Casey.

Dumiretso na ako ng banyo para magpalit ng damit at maghilamos.

Pagkatapos gawin ang ritwal ko gabi-gabi ay humiga na ulit ako sa kama at tiningnan ulit picture namin.


“Insan, totoo ang sinabi ko. Labs talaga kita kahit na bawal.”

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

 

Hello sa inyo!

Sana magustuhan niyo itong sunod na story na gagawin ko.

Sa totoo lang, wala pa akong plot para dito, pero gora lang!

Hahahaha!

Anyways, baka this month ko din i-post ang first chapter.

After ng Dare to love me? ko pa siguro ma-popost.

Pasensya na po kayo. :)

Comments & Reviews (54)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Kim Tae Heeas Alexander "Alex" Kim
Rain as Casey "Cass" Jung
Song Seung Hunas Sander Lee
Lee Min Jungas Carmina "Carmi" Shin

Who's Reading

Recommended