31_Lost and Found

3.1K 46 19
                                    

Nasa condo na kami ngayon ni Ate Alexis. Dito na siya titira mula ngayon kaya hindi na kami masyadong makakapaglambingan ni Casey. Hay. Hinatid lang kami dito ni Casey pagkatapos ay dumiretso na siya sa Casa Blanca. Doon na kasi kami nag-dinner kanila Tito Jun.

“Alex, halika ka nga dito. Mag-uusap tayo.” Utos sa akin ni Ate Alexis na nasa sala at nanonood ng tv. Mag-eexplain pa nga pala ako dito tungkol doon sa paghalik ko kay Casey.

“Ate, sigurado ka bang ayos lang sa’yo na nandito ka?” tanong ko dito. Baka kasi gusto niyang bumalik sa dating buhay niya.

“Ayaw mo ba ako dito?” malungkot na turan ni Ate Alexis. Isa sa mga natuklasan ko sa kanya ay medyo matampuhin siya. Hehe.

“Hindi naman sa ganon. Iniisip ko lang kung paano ka na ngayon dahil parehas na tayong walang trabaho.” Tama. Wala na kaming trabaho buti na lang at may savings ako na hiwalay. Makakatagal pa siguro kami ng ilang buwan. Wala munang shopping for me. Huhu.

“Huwag kang magsalita ng tapos, Alex. Alam kong kukunin ako ulit ni Dad sa kompanya. Wala na siyang choice dahil kung hindi niya ako kukunin ulit at sa ibang kompanya ako magtratrabaho, paniguradong babagsak ang negosyo nila.” Wow. Ganon siya ka-confident sa skills niya. E, ako kaya? Tingin ko, hindi na ako kukunin ulit. Pagkatapos ba naman ng ginawa ko.

“Bakit? Asset ka ba ng kompanya?” Tumango naman siya sa akin. Alex, nakalimutan mo na bang Cum Laude ang Ate Alexis mo? Oo nga pala! Kahit siguro sa ibang kompanya siya mag-trabaho, paniguradong kukunin siya.

“Marami akong nakuhang accounts at na-close na deals kaya mas lalong lumago ang business nila Dad. Ikaw, asset ka din naman sa hotel. Maganda ang pagpapatakbo mo. Minsan, nakikita ko ang mga reports na pinapadala mo sa amin at nakikita kong maganda ang kita at feedbacks sa hotel.”

“Naku, Ate. Asa pa ako na kukunin nila ako ulit. Maghahanap na lang ako ng bagong trabaho. Inofferan nga ako ng trabaho ni Casey. Hindi ko alam kung kukunin ko.”

“Why not?”

“Ate, nakakahiya. Saka isa pa, iniisip ko, mababawasan ang kita niya kapag pumasok ako doon.”

“Kung sabagay. Hindi naman ganoon kalaki ang kita sa bar. Speaking of Casey, ikwento mo sa akin kung paano naging kayo. Sabi mo sa akin noon tinanong kita dati sa bahay, hindi mo siya boyfriend tapos ngayon, kayo pala.” Naku, naalala pa pala ‘yon ni Ate. Akala ko makakatakas na ako sa pag-iinteroggate niya. Hahaha!

“Wala naman talaga kaming relasyon noon, Ate. Hindi ko alam na may gusto din pala siya sa akin simula noon highschool pa lang kami.  Pinigilan namin dahil alam kong hindi magandang tingnan lalo na kapag nalaman nila na mag-pinsan kami. Hindi ko nga alam kung paano nagawa ni Casey na itago sa lahat na mag-pinsan talaga kami despite sa popularity niya sa school.” Diba, isa siya sa mga HOT guys sa school? Grabe talaga. Kulang na lang magtayo sila ng fans club para kay Casey noon. O baka, mayroon. Hindi ko lang alam. Hahaha!

“Kaya ba madalas kang nasa bahay nila Tita Jam noon? Dahil may gusto ka kay Casey?” tanong nito sa akin.

“Alam mo kasi, Ate. Kapag nasa bahay ako nila Tita Jam at kasama ko si Casey, nakakalimutan ko ang mga problema ko sa bahay. Masaya ako kapag nandoon ako. Totoo ang mga sinabi ko kanina kanila Dad. Never kong naramdaman na may pamilya ako.” Biglang nalungkot si Ate dahil sa tinuran ko. Hinawakan niya ako sa kamay.

“I’m sorry, Alex. Alam kong hindi maganda ang pakikitungo ko sa’yo noon. Alam mo ba kung bakit?”

“Malamang hindi, Ate.” Pangbabara ko dito. Hahaha!

“Huwag mo naman akong barahin.” Sabay pout ni Ate. Sabi sa inyo, matampuhin ‘to eh. Ngayon lang siguro nabara ‘to.

“O sige na. Hindi na. So, ano na?”

“As I was saying, kaya ganoon ang pakikitungo ko sa’yo dahil I was jealous at that time.” Ha? Ano daw? Jealous? Sa akin? Paano naman nangyari ‘yon?!

“Are you serious, Ate? Bakit ka naman nagseselos noon sa akin? Gusto mo din bang nakakatikim ng sermon kay Mom?”

“No, not that! I was jealous because you can do whatever you want. Unlike me, I have to follow Mom’s rules.” Ooh. Iyon naman pala.

“Ahhh. I was on my rebellious stage that time, Ate. Tama lang na hindi mo ako ginaya.” Sambit ko dito.

“So, enough of that. Anong nangyari sa inyo ni Casey? Napansin ko noon 3rd year college ka na, hindi na kayo masyadong close.”

Kinwento ko lahat-lahat sa kanya. Alam ko naman na safe ang secret ko sa kanya. Nagulat pa nga siya noon malaman niya ‘yon tungkol sa ginawa namin kay Carmi. It was all over the news daw.

“I’m happy for you, Alex. Finally, nagkatuluyan din kayo ni Casey.” Niyakap niya ako ng mahigpit. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Ako naman ang mag-iinteroggate ngayon.

“Teka lang, Ate. Totoo ang sinabi mo na pinagkasundo lang din kayo ni Dylan?”

“Yes. Eventually, I learned to love him kaya ok lang na magpakasal ako sa kanya and he feels the same towards me kaya wala kami naging problema.”

“E bakit hindi pa kayo kinakasal?” Oo nga no? Hindi pa sila kinakasal. Samantalang ako, in two weeks time, ikakasal na. Psh.

“Magpapakasal lang daw kami kapag nahanap na niya ang nawawala niyang kapatid.” Nawawalang kapatid?

“Girl or boy?” tanong ko dito.

“Girl. Ang sabi niya sa akin, she’s the same age as you.” Same age as me? Hmmm.

“Ahhh. Well, goodluck na lang kamo sa kanyang paghahanap.”

“May lead na daw siya kung sino. Kailangan na lang daw niyang iharap sa Mom niya ang girl tapos ay magpapa-DNA test sila para masiguro.” Bakit pakiramdam ko, parang ako ang tinutukoy ni Ate Alexis?

“Nabanggit ba niya sa’yo kung sino ang lead niya?”

“No.”

Saktong pagsagot noon ni Ate Alexis sa akin ay nag-ring ang cellphone niya. Tumayo siya papunta sa kwarto niya para makapag-usap sila ng maayos ni Dylan.

Nagmuni-muni muna ako saglit.

I have this feeling na baka hindi nga ako anak nila Dad at Mom. Naalala ko ‘yon mga pagkikita namin ni Dylan. Lalo na noon nasa ospital. Sabi niya, kamukha ko daw ang Mom niya. Hindi kaya? Hay. Asa naman ako. Isang business tycoon sa Dylan paano naman magiging ako ang kapatid niya?

Tumayo na rin ako at dumiretso sa kwarto ko.

Ang boring. Pumunta kaya ako sa bar? Gusto kong makita si Casey.

Nagpalit ako ng damit bago tinawagan si Casey.

“Casey, pwede ba ako pumunta dyan? Gusto ko mag-unwind.” Bungad ko dito pagkasagot nito ng telepono.

“Ok. Susunduin na lang kita dyan. Wait for me. I love you.” Turan nito.

“Love you too.” Ok, kinikilig ako. Kahit na may problema ako, as long as kasama ko si Casey, magiging ok ako.

Magpapaalam muna pala ako kay Ate. Baka mag-panic ‘yon mamaya kapag hindi ako nakita. Kumatok ako sa pinto niya.

*TOK TOK*

Pagbukas niya ng pinto ay umiiyak siya. Hala! Bakit umiiyak ‘to?

“Ate, what happened? Bakit ka umiiyak?” Pinahid muna niya ang mga luha niya bago nagsalita.

“Dylan called. He wants to meet you.” Huh? Bakit naman ako gustong makita ni Dylan? Na-realize na ba niya na ako ang type niya, ganon? Napansin ni Ate Alexis na naguluhan ako sa sinabi niya.

“Alex, he thinks you're...”

"...his lost sister."

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon