2_She's A Star?

4.7K 56 15
                                    

(A/N: Dedicated to AJ na friendly at enjoy kausap! :D)

“Babe?”

 Lumingon ako at nakita ko si Sander na tumingin sa gawi ko.

PAKINGSYET! Mabilis kong tinakpan ang dapat takpan at nagtago sa gilid ng cabinet. Buti na lang at may space pa doon at nagkasya naman ako kaya natago ko agad ang katawan ko.

“OUT!” sigaw ko dito. Nakita ko pang gumalaw ang adam’s apple nito bago ito mabilis na lumabas ng kwarto.

Nang makalabas siya ay ni-lock ko na ang pinto.

Haist! Ang tanga mo naman Alex! Bakit hindi mo ni-lock kanina ang pinto bago ka ng-live show?!

Dali-dali akong nagbihis. Simple lang ang isusuot ko ngayon.

Isang mahabang shirt, leggings at sandals ang suot ko.

Nag-suot din ako ng isang vintage necklace at watch.

Kung nagtataka kayo kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ko kanina, ang totoo niyan.

Isa akong dakilang birhen. Hindi ko pa sinusuko ang bataan.

Hanggang make-out lang kami ni Sander. Never pa kaming humantong sa next level.

Naniniwala ako na sa lalakeng mapapangasawa ko dapat ibigay iyon.

Sander knows about that and he respects my decision. Kaya ma-swerte ako na may understanding akong boyfriend. Alam kong mahirap din para sa kanya. Almost 2 years na din siyang tigang. I don't know how he copes with it. 

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakaupo si Sander sa sofa at busy sa panonood ng cooking show.

He’s wearing a gray v-neck shirt, faded jeans and chucks. He only accessorized himself with a dog tag necklace and a silver watch.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Hindi ko kasi alam kung paano siya i-aaproach dahil sa nangyari kanina.

“Uhm, let’s go?” Tumayo siya at naglakad palabas ng condo habang ako ay nakasunod lang sa likod nito.

Define awkward.

Hanggang sa sasakyan ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang siya naman ay tutok na tutok sa pagmamaneho.

“B-Babe, I-I’m sorry for what happened earlier. I thought nasa banyo ka pa kaya hindi na ako kumatok.” Panimula niya. Hindi ako tumingin sa kanya dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari.

“I-It’s ok. It’s my fault. H-Hindi ko kasi ni-lock yun pinto.” Nakayukong sagot ko dito.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at saka pinisil.

I guess, we’re okay now.

Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang makarating kami sa mall.

Binitawan lang niya ang kamay ko ng pababa na kami ng sasakyan.

Alangan naman hanggang pagbaba niya, magkahawak pa rin kami ng kamay? Hahaha!

Pagpasok namin sa loob ng mall, well, ano pa nga ba?

Pinagtitinginan kami. Kumapit ako sa braso niya para malaman ng mga babaeng haliparot na nakatingin na taken na siya.

“Babe, ikaw muna ang mauna bumili ng damit.” Turan ko dito.

“Ok.” Sagot nito at hinalikan ako sa noo. Nagtungo kami sa isang boutique for men.

Inikot ni Sander ang buong boutique pero wala ata itong nagustuhan.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon