11_Bringing Back The Memories

4.1K 62 14
                                    

(A/N: Dedicated sa 100th fan ko! Thank you! :D)


*Flashback (College Days)*

“Casey, saan ba tayo pupunta?” tanong ko dito nang sunduin niya ako sa bahay. Ilang buwan na ba ang nakalipas noon hinalikan ko siya? Syet! Kapag naaalala ko ang ginawa ko noon, hindi ko mapigilang kiligin at mahiya sa ginawa ko. Nakakahiya naman talaga iyon diba? Bakit ko ba ginawa iyon? Dahil… mahal ko siya. Whaaa!

Para sa mga nagtataka kung bakit Casey na ang tawag ko sa kanya, well, request niya iyon. Ayaw na niya magpatawag ng insan sa akin lalo na kapag nasa university kami. Bakit kaya? Hindi kasi niya sinabi iyon dahilan.

“Basta. Sakay na.” inabot na niya sa akin ang isang helmet. Naka-usual get-up kami ngayon. T-shirt, jeans at chucks.

Huwag na kayong umangal. Ganyan talaga kaming mag-boy--… este mag-pinsan.

Umiral na naman ang pagiging ilusyonada ko. Hehe.

Mabilis na pinaharurot ni Casey ang motor niya papunta sa pupuntahan namin. Saan nga ba kami pupunta?

Kumapit ako ng mabuti sa bewang niya dahil natakot ako. Baka bigla na lang akong malaglag. Kamusta naman ang beauty ko kapag nalaglag ako diba?

Huminto kami sa harap ng isang construction site.

Ano naman kaya ang gagawin namin dito?

Three-storey building ang kasalukuyang tinatayo sa construction site.

“Casey, anong gagawin natin dito? Akala ko pa naman, may nahanap ka ng bagong tambayan natin kaya mo ako sinundo sa bahay.” Naghahanap kasi kami ni Casey ng bagong tambayan sa university. Sa kasamaang palad ay wala pa kaming makita kaya sa tree house pa rin kami tumatambay paminsan-minsan.

“Ito ang magiging bagong tambayan natin.”

“Ha?! Ito? E, hindi pa nga tapos itayo kung ano man yan.”

“Malapit na matapos ‘to. Baka next year, mag-soft opening na ako.”

“Woah! Ikaw? Ibig sabihin, sa’yo ‘to?!” Gulat na gulat na tanong ko dito. Kailan pa siya nagkaroon nang ganito? Nakakatampo. Wala man lang siyang binanggit sa akin.

“Parang ganon na nga.” Pa-humble effect pa. Ayaw aminin! Siya na. Siya na may construction site. Hahaha.

“Ano bang pinapatayo mo?” seryoso kong tanong dito habang nakatayo kami sa harap ng construction site.

“Isang bar. Casa Blanca ang ipapangalan ko.” Bar? Seryoso? Sa lahat-lahat ng naisip niyang business, bakit bar pa?

“Sigurado ka? Bakit bar ang naisipan mong itayo? Pwede naman restaurant o grocery store.” Inakbayan niya muna ako bago niya sinagot ang tanong ko. Kinilig ako bigla dahil parang boyfriend ko lang ang dating niya.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon