7_Her Past (Two)

4.1K 63 20
                                    

 Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa tambayan namin.

Ang tree house na ni-request ni Casey sa mga parents niya.

Nasabi ko na ba sa inyo na sila ang may-ari ng school na pinapasukan ko? Ngayon, nasabi ko na, alam niyo na kung gaano sila kayaman.  Haha!

Wholesome pa ako dito ha? Wala pang halong kahalayan ang utak ko dito.

Pramis! Mababasa niyo mamaya.

Balik na tayo sa kwento nang nakaraan ko.

Parehas kaming hingal na hingal nang makarating sa tree house.

Inhale, Exhale, Inhale, Exhale!

“Hay. Kapagod. Teka nga pala, insan. Paano tayo lalabas mamaya dito? Panigurado, sarado na ang gate mamaya.” Tanong ko kay Casey na nagsimula nang umakyat sa tree house.

Ang gentleman niya! Hindi man lang ako pinauna na umakyat ng tree house.

“Hoy! Bakit ka nakatunganga dyan? Umakyat ka na!” sigaw nito mula sa taas ng tree house.

“Thank you ha! Ang gentleman mo talaga kahit kailan!” Inirapan ko na lang siya at nagsimula nang umakyat sa tree house.

Maganda ang pagkakagawa sa tree house, pwede ngang tirhan ito dahil kumpleto sa gamit.

Akalain niyong may attic ang tree house na ito na nagsisilbing bedroom.

Kaya kapag lunch break namin ay dito kami pumupunta para umidlip saglit.

Kung pwede lang talagang tumira dito, baka lumayas na ako sa amin. Hehe.

Bukod sa maganda ang view mula sa taas, tahimik din dito.

“Ang bagal mo naman!” bungad ni Casey pagkaakyat ko sa tree house.

“Alam mo ‘yon salitang pahinga Casey? Nakakapagod kaya tumakbo tapos paakyatin mo ako kaagad dito. Bakit ka ba nagmamadali ha?” singhal ko dito. Totoo naman diba? Ikaw ba naman tumakbo mula gym papunta sa tree house na nasa liblib na parte ng school, isama mo pang naka-dress ako habang tumatakbo ako.

Imbis na sagutin ni Casey ang tanong ko ay tinalikuran lang niya ako at may kinukuha na kung ano sa bag niya.

Naalala ko bigla iyon regalo ko kay Casey. Agad kong binuksan ang bag ko at kinuha ang regalo ko para sa kanya. Sana magustuhan niya ito.

“Insan, halika nga dito!”

“Ano? Halikan?! Bakit naman kita hahalikan?!” ang bingi din nang isa na ‘to eh! Tumayo ako at lumapit sa pwesto niya at binatukan siya. Pero, kung gusto niyang halikan ko siya, ay, hindi ako magdadalawang isip na halikan siya. Takte! Landi ko lang?

PBB teens?! Bakit? Teens naman kami ah! Hahaha! Teka, wholesome nga pala ako. Ahem! Ahem!

“Hoy, masakit iyon ha! Inaatake ka na naman ng sakit mo!” sigaw nito sa akin pagkatapos ko siyang batukan.

Oo, may sakit ako. Sakit na maituturing para sa kanya ang pagiging bayolente ko.

“Naglinis ka ba ng tenga mo? Mali-mali kasi naririnig mo eh! Ang sabi ko, halika SPACE nga SPACE dito! Hmp. Oh, ayan!” binato ko sa kanya ang regalo ko at saka bumalik sa pwesto ko. Kainis!

Kumunot ang noo niya nang makita niya ang box.

“Ayaw mo ata eh! Akin na! Sa iba ko na lang ibibigay!” lalapit sana ulit ako para kunin ang regalo ko sa kanya pero bigla siyang tumayo at itinaas ang box na hawak niya.

Lab U, Insan! (Book I)Where stories live. Discover now