16_Truth between the Lies

3.6K 61 19
                                    

“Hindi ako pwedeng umalis, Sander. May trabaho ako. Ikaw. Makakapaghintay naman ‘yan hanggang bukas diba? Tawagan mo na lang ako kung anong oras at saan.” Turan ko dito.

“No. Hindi na ‘to makakapaghintay. Please, Alex? This information will clear everything.” Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano ba ang tinutukoy niya? Hay.

“Sa opisina ko na lang tayo mag-usap.” Sambit ko dito at agad akong naglakad papunta sa opisina. Nakasunod lang si Sander sa akin.

Pagkadating namin sa opisina ay agad kong pinaupo si Sander sa couch. Nagpatimpla na din ako ng juice kay Yen. Hinintay muna ni Sander na dumating ang juice na pinatimpla ko bago siya nagsimulang magsalita tungkol sa pakay niya.

Nakaupo ako sa isang dulo ng couch habang siya ay nasa gitna. Kailangan kong dumistansya sa kanya dahil kung hindi, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at sunggaban ko siya. Hahaha!

Ok, namamasyal na naman ang utak ko sa greenland.

“Alex, I just want to clear everything about what happened in the parking lot.” Babalikan na naman ba namin ‘yon? Tapos na ‘yon diba? Kaso, gusto ko din naman marinig ang paliwanag niya para hindi na ako kainin ng guilt.

“Go on. I’ll listen.” Maikling sagot ko dito.

“I was drugged that day.”

“Drugged?” Anong drug ang sinasabi niya? Sorry, inosente ako. Hehe.

“Yes. Iyon babaeng na kasama ko, may pinainom sa akin pero hindi ko alam na nilagyan pala niya iyon ng drug na pangpa-increase ng sexual desire.” Ooh! ‘Yon pala ‘yon.

“Bakit hindi mo pinigilan ang sarili mo na gawin iyon?” tanong ko dito. Pwede naman niya iwasan diba? O hindi?

“It’s impossible to stop yourself once na nakainom ka ng drug na iyon. In short, magiging uhaw ka sa sex, like what you told me when you caught us. I’m sorry, Alex.” Ganon ba ‘yon? Ang hirap maging inosente.

“Teka, paano mo naman nalaman lahat ‘yan?” Bago ako maniwala sa kanya, kailangan kong malaman kung totoo ba ang sinasabi niya or hindi. Baka naman gawa-gawa lang niya iyan para magkabalikan kami.

“I heard the girl talking to Carmi before she tried seducing me again a while ago.” What?! Si Carmi?! All this time, siya ang may pakana ng lahat?!

“Sander, sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tumango naman siya at tumingin sa akin. Seryoso siya at walang halong biro sa mga mata niya. Syet! Pakingsyet ka Carmi! Nagawa mo kaming paglaruan ni Sander?! Higit sa lahat, nakuha pa niya akong saktan! Planado na niya lahat. So, umayon pa sa plano niya ang nangyari sa restaurant ni Sander noon.

Naikuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang problema ni Carmi. O sadya lang ba talaga siyang flirt at gusto niyang agawin si Sander sa akin kaya niya ginawa ‘yon? Bakit hindi pa siya makuntento kay Casey?

“Alex…” hindi ko namalayan na lumapit na pala si Sander sa tabi ko at hawak-hawak ang kamay ko na nakakuyom.

“Do you have any proofs?” Syempre, gusto ko nang proof. Naninigurado lang ako.

“No. Hindi ko nagawang i-record ang pag-uusap nila dahil nasa locker ang gamit ko.”

“Narinig mo ba kung bakit niya ginawa iyon?”

“Oo. Base sa narinig ko, gusto daw niya ako. Narinig ko din na wala na sila ni Casey.” Fvck! Sabi na nga ba at umaayon ang lahat sa plano niya.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon