17_Surprise Vacation

3.9K 41 5
                                    

*DING DONG* *DING DONG*

Ah, syet naman oh! Ang aga-aga may nangbubulabog sa pagtulog ko! Linggo pa naman ngayon!

Tinakpan ko ang tenga ko ng unan para hindi marinig ang doorbell.

Tumigil ito saglit kaya niyakap ko na ulit ang unan na pinangtakip ko sa tenga ko.

Wala pang ilang minuto ay nag-doorbell ulit at sunod-sunod na ngayon!

Sa sobrang inis ko ay nagulo ko ang buhok kong magulo na saka dumiretso sa pinto para tingnan kung sino ang taong makulit na gustong sirain ang doorbell ko.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay isang flash ng camera ang sumalubong sa akin. The eff! Pinicturan nila ako ng bagong gising!

“Hahahahahaha!” sabay-sabay na tawanan ng barkada ko. Nandito sila ngayon para guluhin ako at himala ay kumpleto sila.

Binalibag ko ang pinto sa harap nila. Bwiset! Pumunta ako sa banyo para tingnan ang itsura ko. Argh! Ang gulo ng buhok ko, may muta pa ako at swollen pa ang mukha ko. Haist.

Naghilamos na ako at saka nag-mumog bago binuksan ulit ang pinto dahil nag-doorbell na naman si Errol na parang walang bukas.

Pagkabukas ko ulit ng pinto ay sabay-sabay silang nagsalita.

“Good morning, birthday girl!” Tinaasan ko sila ng kilay. Kahit sila, nagtaka bakit tumaas ang kilay ko. Sa pagkakaalam ko kasi, next week pa ang birthday ko.

“Hoy, Alex, huwag mong sabihin na nakalimutan mong birthday mo ngayon.” Singhal ni Arianne sa akin.

“Ahm, hindi ko naman talaga birthday ngayon. Next week pa kaya.” Sagot ko sa kanila.

“Baka pwedeng pumasok, Alex.” Turan ni Zed. Pinatuloy ko muna sila sa condo ko at kanya-kanya na silang pwesto sa loob ng condo ko. Si Errol at Arianne, naupo sa sofa at binuksan ang TV. Si Mai at Zed naman, pumunta sa guest room. Alam niyo na, gagawa ng baby--… este kababalaghan. Si Leo naman ay nagpunta sa kusina at hinalughog ang cabinet ko dahil nagugutom na daw siya.

Ako naman, bumalik sa kwarto ko at matutulog sana ulit pero dahil ang ingay ni Mai at Zed ay hindi ako nakatulog kaya naligo na lang ako.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Leo na nagluluto ng agahan. Si Errol at Arianne ay nakaupo pa rin sa sofa.

“Bakit ba kayo nandito?” tanong ko sa mga ito.

“Seriously, Alex? Hindi mo talaga maalala na birthday mo ngayon?” tanong ni Leo.

“Hindi nga. Alam ko, next week pa. Teka nga, titingnan ko ang planner ko.” Agad naman akong bumalik sa kwarto para kunin ang planner sa bag ko.

Bago ko pa man mabuklat ang planner ko ay tumunog na ang cellphone ko.

Si Casey.

“Hello?”

“Happy birthday, Alex.”

“Seryoso, birthday ko talaga ngayon?” tanong ko dito. Grabe. Napag-iwanan na pala ako ng panahon.

“Oo. Kahit i-check mo pa sa kalendaryo. Hahaha!” pang-aasar nito.

“Ano na bang date ngayon?”

“12.” Ah. 12 na pala ngayon which means, birthday ko. Wait! Birthday ko nga! Binuklat ko ang planner ko at nakita ko ang note na sinulat ko noon friday. Grabe. Dala siguro ng problema kaya sarili kong birthday, nakalimutan ko na.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon