Chapter 25: Demanding Knight in Distress

3.1K 82 33
                                    

12 noon na kaya dali dali kaming lumabas ng room ni Ashely para makapag lunch. Vacant kasi namin ngayon eh. Kanina pa talaga ako nagugutom dahil sobrang napagod ako kakaiwas sa Knight na yun kaninang umaga. Pagkatapos kasi ng nangyari kahapon ay tumakbo ako sa abot ng aking makakaya dahil dun sa sinabi niya.

Naglalakad na kami ni Ashely papuntang canteen. Siya ang nauna kasi ambilis nga kasi niyang maglakad. Papasok na sana kami nang biglang may bumangga sa akin at tumapon yung soda niya sa uniform ko.

"Hala, what happened to your uniform?" nag-aalalang tanong ni Ashely nang malingunan niya ako.

"Someone spilled a soda on me." sagot ko naman sa kanya habang inaayos at pinapagpagan ko ang uniform ko. Kainis! Sino ba yung nagtapon ng coke sa akin? May mantsa na, oh!

"Okay, that's it. Where is that little piece of s— HEY! Look here!"

Nagulat ako nang sumigaw si Ashely dun sa taong bumangga sa akin na naglalakad na paalis. Huminto naman yung babae kasama pa ang tatlo pa niyang mga kasama at sabay sabay lumingon sa direksyon namin.

Una kong napansin na pare-pareho lang sila halos lahat ng gamit kaso nga lang ay iba iba ang color nun. Yung babaeng nasa kanan ay blue, yung katabi niya ay green, red naman yung sa maliit na babae tapos ang leader nila na nasa gitna ay kulay pink na napagtanto kong si Kiarra Andrade. Ang babaeng pinanganak ata para banggain ako. Eh siya lang naman yung bumangga din sa akin sa may locker eh. Biglang umusok ang ilong ko nang makita ko ang pagmumukha niya.

"Bakit?" Mataray na sabi niya at lumapit sa kinatatayuan namin. Sumunod din yung mga kasama niya.

"How can you spill your soda all over her? Hindi ka ba nag-iingat? Pati hindi ka ba marunong mag sorry, ha?" Ashely

"At bakit naman ako magso-sorry? Kasalanan yan ng kaibigan mo! Tatanga-tanga kasi!" Turo ni Kiarra sa akin tapos tinulak niya ako sa balikat kaya napaatras ako ng konti. "Mang-babangga na nga lang ay sa maling tao pa!"

"What do you think you're doing?" Di makapaniwalang tanong ni Ashely kay Kiarra na tinuro pa ako. "Did you just push her?"

"So what if I did?"

"Let's make it clear, you instigated this first!"

"So? What are you going to do about it?"

"Yeah! What are you going to do about it?" Ulit naman ng mga kasamahan ni Kiarra na nakatayo sa likuran niya. Wow, parang mga power rangers lang eh. Hahakbang na sana si Ashely at akmang sasabunutan si Kiarra pero pinigilan ko siya sa braso. Gustuhin ko mang i-cheer si Ashely pero hindi pwede dahil baka ma-detention pa kami.

"Okay lang talaga ako, Ashely. Tara na."

"HINDI! Kakalbuhin ko 'tong bruhang 'to!" Mabilis na sagot niya sa akin at nagpupumilit hablutin ang buhok ni Kiarra. Todo layo naman ako sa kanya dahil desperada na siya.

"Ayos lang nga eh. Halika na."

"Hayaan mo na muna akong saktan ang babaeng 'to Jenna! Saglit lang talaga." Pahabol pa niya. Ako naman ay hinahatak siya papuntang canteen.

"COME BACK HERE!" Narinig naming sigaw ni Kiarra sa likod namin. Napalingon ako nang lumingon din si Ashely.

"Oh, bakit? Lalaban ka?" hamon pa ni Ashely sa kanila tapos kagat labing tinaas niya ang sleeves niya. Parang ako lang din eh. Makaasta parang siga sa kanto.

"Tama na nga! Ashely naman, gutom na ako. Ako na muna unahin mo." Sabi ko sa mataas na boses kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumasok nalang din sa canteen.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon