Chapter 42: Sweet Touch

108 6 4
                                    




True enough, Troy did everything he could to gain points and win the game but he did not meet Knight's speed. He and the others were in total shock by the quick and powerful dunk Knight showcased.

Malakas na sigawan ang namutawi sa buong gym. Iyon ang nagpanalo nina Knight at Kentt.

52-48

Mabilis naming nilisan nina Marco at Charmaine ang lower deck at dali-daling tumakbo sa court. Dinumog naman si Knight ng buong team niya at tuwang-tuwa sa panalong nakamit nila.

"Good job, captain!" Masayang bati ni Jarren and everyone is clapping Knight's back, congratulating him.

"Tara walwal na!" Marco inserted.

Knight grinned from ear to ear and I know he can't contain his happiness. Close flight ang nangyari at muntikan na silang matalo. Sa palagay ko ay ito yata ang mapanghamong match na nilaro niya.

Hindi na ako makapaghintay na i-congratulate din siya. Papunta na sana ako sa grupo nang salubungin ako ni Troy. Nawala ang ekspresyon sa aking mukha.

"Nica," he started, stopping in front of me.

Tiningnan ko ulit ang grupo sa likuran ni Troy na nagkakasiyahan pagkatapos ay binalik ang tingin kay Troy. I didn't say a word. I just continued to stare at him with a blank expression.

"Ngayon tinatanggap ko na ang aking pagkatalo." Amin niya dahilan para mapakurap ako.

"Alam ko na ngayon na kaya ka niyang alagaan." Dagdag pa niya na para bang siguradong-sigurado siya sa kanyang sinasabi.

Bakit tila ay nakakahimig ako ng kakaiba sa pananalita nito? Kung hindi ko lang nalaman na hinamon ni Troy si Knight ay iisipin ko talagang pinapaubaya na nga talaga niya ako.

"Paano mo naman nasabi?" Nagtatakang tanong ko dito.

He grinned cheekily. "Alam mo kasi kanina, sinabi ko sa kanya na devoting his self to you might be a little risky for him at this point lalo na't kayang kaya kitang bawiin sa kanya." Tumawa ito ng bahagya at nagpatuloy, "Gumana din naman ang strategy kong iyon para hindi siya makapaglaro ng maayos."

Doon bumalik sa isip ko ang laro nila kanina nang may binulong si Troy kay Knight dahilan para mamutla ito.

"Huwag kang mag-alala, Nica. Hindi ako naghahanap ng gulo. Sinigurado ko lang na nasa maayos na kalagayan ka bago ako lumisan at bumalik ng Maynila." Nakangiting saad niya. "I just want to prove his capabilities. Especially in protecting what's his."

I had started to understand his behaviour earlier and knew that what he had done was only to show Knight's ability.

Pero anong ibig niyang sabihin sa huling sinabi niya?

"Hahayaan na kita sa kanya." Maagap na sabi pa niya bago ko pa ma-proseso ang mga salitang binitaw niya kanina. "Sana ay mahalin ka niya nang higit pa sa pagmamahal ko sa 'yo."

Ngitian ko siya. Parang kailan lang ay mahal ko pa siya. Ngayon ay ang hiling ko na lamang ay ang maging masaya na rin siya sa piling ng iba.

"Maraming salamat." I declared sincerely.  "Sana ay makakita ka ng babaeng para sa 'yo. Mabuti kang tao, Troy at alam kong hindi ka mahirap mahalin."

I genuinely meant all the words I said. Sana nga. Sana nga ay makakita na siya ng taong kayang suklian ang pagmamahal na kaya niyang ibigay.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon